Monday, November 22, 2004

ay! may naalala ako. dba nagkwento ako tungkol dun sa newsletter ng UP. haha. may nakasulat nga pala dun tungkol sa mga webblogs. karamihan pala sa webblogs e para sa politics. mga insights and stuff tungkol sa government. haha. gusto ko lang i-share. cguro un talaga ung main purpose ng blogs, pero pwede rin namang maiba ung purpose nya dba. webblogs can be one way of letting things out of yourself, mas lalo na ung mga bagay na ndi mo masabi ng personal, parang itong ginagawa ko. minsan kasi mas maganda kung idadaan mo sa pagtatype sa computer para ndi ung tao ung mahuhurt mo physically, ung keyboard e madali namang palitan dba? tsaka para masmaexplain mo ung mga bagay nang masmabuti. kasi may mga tao kapag nagsasalita ka, bigla na lang hihirit tpos makakalimutan mo na ung sasabihin mo, tpos wala na. nakakatulong din ung ganito sa pagrealize mo ng mga bagay-bagay. habang nagtatype ka, narerealize mo na ito tama tapos ung isa mali, tpos malalaman mo na kung tama o mali ung ginagawa mo. kasi dba pagnagtatype ka, ndi naman siguro sobrang bilis katulad sa pagsasalita kaya meron pang time para makapag-isip ung utak mo kung tama nga o mali ung ginagawa mo. a basta. parang ganoon. nababasa mo rin ung mga insights ng ibang tao at nababasa din nila ung insights mo, tungkol sa buhay, nakikita mo rin ang beauty ng buhay sa mga simpleng kwento ng mga tao tungkol sa pangaraw-araw na nangyayari sa buhay nila. malay mo sa simpleng pag-inom lang ng tubig na naikwento sa isang blog e maisip mo nang magtipid ng tubig. aba! mahirap na tubig ngaun ha. kahapon lang e halos buong araw kaming walang tubig, ginagawa ksi ung water line malapit sa amin. ndi lang nakakacause ng traffic, wala pa kaming tubig panghugas ng pinggan, ako pa naman ung nakatoka kahapon, napagalitan tuloy ako. hay! ang buhay. so aun lang. basta ang blogs ay napakagandang imbensyon. ;)

No comments: