Tuesday, November 16, 2004

haha.
umaamin ako, namimiss ko ung skul, mas lalo na ung mga tao sa skul. kahit medyo naantok ako at mukhang bangang gusto ko pa rin sa skul. haha. kaninang umaga nga lang eh habang nagsusuot ako ng uniform sa sobrang kabangagan eh imbes na black school shoes ung isuot k, ung white rubber shoes ung sinuot k. ang wirdo noh, buti na lang nakita nang kapatid ko, kung hindi.. magmumukha akong public school. haha. masyado ata akong nasanay nung nakaraang linggo na parati na lang un ung suot ko. haha. ang ayoko lang sa skul ung mga assignments, bukas marami kaming assignments, kasi eco namin. buti nga ndi ngaun e. akala ko editorial cartoon lang ung assignment pero nung bandang hapon nadagdagan! nyaks! kaya ngaun kailangan ko na syang gawin. okei? cge.

No comments: