Saturday, November 27, 2004

Meron kaming bagong laptop.Haha.dito ako nagtatype ngaun. Wahaha! Ang sarap pala magtype dito. Konting effort lang ung kailangan para makasulat ka. Medyo naninibago pa ako sa mouse, kaya ngakinabit koung totoong mouse e. Wahahaha! Ang galing nga eh, may mga mp3s n cya. Astig! Nagpapatugtog na ako.Wuhoo! Ang galing ulit! Astig! Pagnagkatrabaho na ako, at malaki na ung kinikita ko, bibili ako ng sarili kong laptop. Full features pa! Brand new pa! second hand lang kasi ung binili ni mama. Ang hilig ni mama sa mga second hand. May mga ilang problema nga lang kung second hand ung binili mo. Ndi mo alam kung okey pa, malay k ba kung nabagsak n un dba. O kaya bawas bawas na ung laman. Wala pang warranty. Sayang lang ung libo-libong perang ginastos mo tapos masisira lang pala, tapos ipapaayos mo, tapos malaki pala ung sira, tpos babayaran mo nang malaki, parang bumili ka na rin nang bago, mas maganda kung bumili ka na lang ng bago noh. Meron kasi kaming vid cam tpos mga ilang buwan lang e nasira na, second hand din un, tpos pinaayos, ung mother board ung nasira, e di malaki rin ung binayaran ng mommy ko, saying tuloy. Meron pa, wala rin cyang manual, ung vid cam meron,pero itong laptop wala. Ung kasama lang dito e ung adaptor, un lang. wala nga rin cyang case eh. Kaya nga sabi ko sa mommy ko, kung bibili sya nang mga bagay, wag ung second hand, okey lang kung medyo matatagalan ung pagbili mo kasi iipunin mo pa, kaysa naman sa masmatagal pa ung oras na hndi mo cya nagamit kasi sira at nasa pagawaan. Mabuti na ung ilang mga araw o linggong paghihintay para bumili ng brand new kaysa naman sa uulit ka nang pagiipon dahil sa repair fees. Haha…
Kanina lang lumapit ung tita ko dito, tpos nagkaroon sila ng argument about brand new tsaka second hand na mga bagay, sabi nila, mas maganda ung second hand kasi mura lang.ung original price daw nito, P124,000, tpos nabili lang nya ng P46,000. Malaki ung difference, at bagong model pa cya. Sbi din nila, baka next year ndi na rin ito ung bagong model, e di mas madaling magpalit at hindi gaano nakakapanghinayang ksi kaunti lang ung nagastos mo dun sa huli mong binili. Para din daw celphone, ngaun paiba-iba, maya-maya malalaman mo na ndi na pala un ung latest model, mas maganda kung ung second hand para ndi ganoon ka laki ung ginastos mo para don. Ang masasabi ko tama sila..pero ano nga ba talaga? Kung kau ung papapiliin, ung brand new o second hand lang? Ako, ewan, nung una mas gusto ko ung brand new kaysa sa second hand, pero nung narinig ko ung side nila mama, ndi ko na alam, medyo kuripot ako sa pera e, ayokong nasasayang ung pera ko. Hay.
Happy birthday kuya EJ. Pupunta daw kmi dyan sa bahay nyo mamaya. Magkakahousehold kmi mamaya, tpos pupunta kami sa bahay ninyo, kina Aleah din daw. Advance Happy Birthday, Aleah. Birthday mo bukas dba.
Kahapon, dapat sisimulan na namin ung pagcloclown namin, may research project kami, tpos ung topic naming: Immediate Reaction of Paulinian Preschoolers when they see Clowns. Kaso lang meron ilang problema, ndi pa kami gaano ka prepared, wala kaming matinong costume, ndi rin kami marunong gumawa ng balloon toys, e kailangan din yon, wala pa rin kaming naiisip para magmukha kaming clowns. Nakakahiya nga kay Jap e, feeling ko, galit na cya sa amin, pinipigil lang nya. Manghihiram pa lang ako sa CFC Center ng clown costumes, magpreprepare na rin ako ng ilang wacky moves at ilang jokes, magprapractis din ako sa paggagawa ng toy balloons. Nakakatakot kaya, baka pumutok sa mukha mo ung balloon. Kahapon nagpatulong kami sa isang classmate na marunong gumawa. Mga 15 minutes naming ginagawa ung toy balloon na un, e mga 15 minutes lang kami dun sa preschool. So sa hinaba-haba ng 15 minutes na un e isang toy balloon lang ung nagawa naming. Wahahaha! Magprapractis na talaga ako.
Meron na nga pala kaming The Sims! Mula sa The Sims hanggang dun sa ilang expansions: Hot Date, Livin Large, House Party, Vacation tsaka Unleashed. Gusto kong magkaroon ng Magic, Superstar tsaka ung The Sims 2. Kung sino ung meron pahiram. ;) Ang sarap maglaro, nakakapag simulate ka ng sarili mong tao. Wahahaha. Gumawa nga ako ng character na ung pangalan e pangalan ko. Hehe. Tpos maglalagay pa ako ng ilang friends don, tsaka.. crush? Haha! Kung pwede lang maging sim e, ang yaman nung sim ko, meron cyang 3,000,000 sim dollars. Ang dami nyang pwedeng bilhin, ndi cya nagtratrabaho pero meron cyang ganoon kalaking pera, pero chineat ko un. Ang bad noh. Parang totoong buhay, yumayaman k, pero ndi ka naman nagtratrabaho. Walang kwenta ung pera mo, kasi nagcheat ka nga lang, ndi mo masasabing proud ka don, ksi walang kasamang blood ang sweat. Mas maganda kung talagang pinaghirapan mo ung perang un. Sa sims nga lang ndi cya ganoon ka lala, kasi wala ka namang kinukuhaan nung perang un, masasabi mo pang medyo malinis, maliban lang sa cheat ung ginamit mo para makuha un, tsaka ndi ka rin nagpapahirap ng mga kapwa sims. Sa totoong buhay e malala. Yumayaman ka na nga, nagpapahirap ka naman ng ibang tao kasi sa ibang tao mo nakukuha un. Ndi na nakuntento sa pwestong hinahawakan na kung tutuusin e, malaki-laki na rin ang kita, nasusustentuhan nyo kasi ung mga pangagailangan nyo eh,may onti pang natira para sa leisure stuff, kinukuha pa ung perang ndi naman nakalaan sa kanila. Napaka-sakim ng mga ganito. Ndi naman sa malinis ako, pero minsan sobrang foul na, masyadong marami na ung pinahihirapan nila. Binabayaran na mga sila tapos sila pa ung nagtratraydor. Tama! Traydor sila: sa kanilang tungkulin, sa kanilang bayan, sa kanilang sinumpaang pusisyon. Pinagkatiwalaan na nga sila, binabayaran na nga rin sila sa serbisyong ginagawa nila tpos ito pa ung igaganti nila. Ang Sakim! Nakakasama naman ng feelings itong ginagawa ng ilan sa mga tao sa gobyerno natin, sila ang dahilan kung bakit nagiging ganito ang ekonomiya natin, kung bakit may brain drain, kung bakit maliit ang tingin ng iba sa atin, kung bakit nagiging ganito ang bansa natin, sila! Sila! SILA!
Eniweyz, kakain muna ako, manonood din kami mamaya ng Bcuz f U! Hero ur my Hero! Wahaha! May passes kasi ung tita ko eh, ang swerte noh! Cge.
Ung Bcuz of you, is a feel good movie. Kung gusto nyo ung feeling ng in love, manood kau nito.

No comments: