Sunday, November 21, 2004

nagkaroon kmi ng sector gathering kanina. nakakatuwang nakita ko ung mga nag-camp last week don. actually kagabi nakita ko na sila, nagkaroon ksi ng concert ung SIGA central b. sumasayaw ung mga siga at kung anu-ano pa. Tpos habang nanonood kinuwentuhan ako nung mga bagong yfc, sabi nila nagstastart na daw silang magimbita ng iba pang mag-yyfc. sinama na nga nung isa ung kapatid nya kagabi e. nagkwekwento sila tungkol sa pagkwekwento daw nila about yfc sa mga friends nila, sinasabihan na nga un isa ng pastor e. haha. un din ung sinasabi sa akin nung iba kapag nakwekwento ako. nakakaflatter kpag sinasabihan k nang gnoon, biruin nyo nakikita nila si god sa akin. haha. khit ndi naman talaga ako ganoon kabait eh mukha pa rin akong kristo sa kanila. haha. minsan naman na-aannoy rin ako. parang wala na ba kayong nakikitang ibang future sa akin kundi un? Sori, pero minsan nakakadiscourage. Ndi naman sa kinahihiya ko, actually proud akong maging yfc, pero baka ganoon na lang ung kahantungan k habang buhay. Naalala ko nung last year, eh halos bukang-bibig k na ung yfc sa mga classmates ko, tpos nagkaroon kami ng activity sa homeroom. May iba't-ibang strips of colored paper tpos bawat kulay may corresponding na profession, meron dun nun, as in madre. Ibibigay mo un sa mga taong tingin mo magiging ganon at natatakot akong mabigyan nung puting papel na may "nun" na nakasulat. Eh may nagbibigay sa akin non. Haha. Natakot ako bigla. Malaki kasing responsibilidad un, kailangan holy ka buong buhay mo at ang hirap gawin non. Bawat galaw mo kailangan perpekto, ayon sa turo ni god, mas lalo na maganda dapat sa paningin ng mga tao, kaya nakakatakot. Napaka-lungkot din ksi may ibang madre na namamatay na ndi kapiling ung pamilya, ang lungkot naman non noh. Tsaka gusto ko rin magka-anak noh. Ndi ko lang gusto ung process pero ung feeling na "I have a baby" ay napakasaya. Haha. Sino kaya ung ama? Ummm, sana si .. hehe. Secret. Pero kahit may nagbigay sa akin ng white paper na may nakasulat na "nun" eh pinasaya pa rin ako ng ilan. Si gene, binigay sa akin ung red paper.. as in doctor. Wow! My greatest dream! Tpos ung iba psychologist. Ung pre-med ko. Asteeg! Nakaka-touch. Sana magkatotoo ung mga un. Lord God, tulungan nyo po ako, ayoko talgang maging madre. Alam nyo namang pagsisilbihan ko kayo, pero ndi bilang madre, doctor pwede pa. Pagagalingin ko ung mga anak nyong may-sakit lalong-lalo na ung mga bata. ;)
nung tinitingnan ko ung mga bagong yfc, iba ung nararamdaman k. sila na ung susunod na generation ng yfc central b. ndi naman sa tumatanda ako, pero parang ganon na nga. I’m seventeen already and 5 years na lang ang itatagal ko dito. Sabi ni kuya val, mararamdaman k na ung feeling na tumatanda na ako sa yfc. Next year 18 na ko at nung mga 13 ako e tingin ko sa mga 18 years old e, ate o kaya kuya, hanggang ngaun nga e ganoon pa rin, tpos bigla kong maaalala na oo nga pala mag-18 na ako nxt year, mapapa-"oh no!" na lang ako bigla. May dumarating at ung mga dumarating na ito ay yung mga mas bata sa akin, at sila un. Nung camp nga e bihira na ako makakita ng participant na kapareho ko ng age, kadalasan 13 - 15. Sila ung papalit sa amin, sila na ung susunod na maglelead ng households, chapters, clusters. Sila na ung susunod na mag-woworship leaders. Sila na ung maglelead ng central b6 at kailangan simulan ko na ung pagtretrain sa kanila. Kailangan ngaun k na simulan at hindi bukas. Sa kanila nakasalalay ung cluster at kung wala akong gagawin ngaun baka sa wala mapunta ung b6. Kinikilabutan ako, kinakabahan.. mixed emotions. Ndi ko alam kung saan ko sisimulan ung pagtrain sa kanila.
Kanina, may nakita akong exciting. Ung newsletter ng UP, as in University of the Philippines. Nanggaling si Carla of YFC SHAP doon kahapon, nagkaroon sila ng competition with other schools at kasama sya sa mga representatives, ang galing nga nya e. Binasa ko ung newsletter, wow, feel na feel ko ung pagiging ischolar ng.. ayokong maudlot ung pangarap kong iyon, kaya ndi ko muna itutuloy, pero alam nyo naman kung ano un dba. Basta kapag pinipigil ko ung feeling e nagkakatotoo at kung tuloy-tuloy naman ako sa pagiimagine e sa wala na mapupunta. Basta may mga fraterni.. don tpos may fraterni.. wa. sila. Ndi ko naitutuloy, baka maudlot.
So speaking of ung feeling na pinipigil para magkatotoo, haha. Parang nagcocontinue sya sa totoong buhay. Astig nga eh, kaya kung ayaw ko sya minsan tinutuloy ko ung pag-imagine at kung gusto ko eh, pinipigilan ko para magkatotoo sya sa real life. Ang labo noh. Pero parang ganoon. Minsan nga lang e matigas ang ulo ko, kapag ayoko ung feeling e pinipigilan ko tpos kung gusto ko naman e tuloy lang sa pag-imagine. Kaya tuloy nagkakandaleche-leche ung buhay ko. Kasi naman noh, matigas ung ulo ko eh. Hay. Ikaw ba naman gusto mong iimagine ung pangit, dba ndi naman. Sana bumaliktad na sya, at sana pagkatapos kong pumasa sa .. hehe. Para ndi na ganoon ka abnormal.
I’m still asking for your prayers, sana pumasa ako sa Unibersidad ng Pilipinas. Lord, sana pumasa po ako sa UP. Pag-pray nyo rin ako sa USTET. Next week na sya, Nov 28, 2004. Sabi nila madali daw, pero ayokong umasa sa ganoon. Pagdasal nyo pa rin ako. ;)
oo nga pala. hapi birthday, novee. ;)

No comments: