Monday, November 15, 2004

tapos na ung weekend.. tapos n ung youth camp. ndi k alam kung ano ung nafefeel k. bago magstart ung youth camp, may nagpaparinig n sa akin na tigilan ko na ung mga kahibangan k. nung mga nakaraang mga buwan paunti-unti n ung gana kong magserve. nawawalan ako ng motivation para mag-serve. minsan nga gusto kong itanong sa mga elders ko kung saan nila nakukuha ung burden na nagpupush sa kanila para magserve. ung burden na nagsasabing maraming taong gustong makilala si god at responsibilidad mong ipakilala sa kanila sya. parang naging trabaho na lang para sa akin ang lahat. trabaho na KAILANGAN kong gawin dahil KAILANGAN ndi dahil GUSTO kong gawin. wala na ung passion kong magserve.
nung weekend ito ung stuggle ko. ndi ko alam ung gagawin ko. tuwing may exhortation about it, iniiwasan ko, nagiisip ako nang ibang bagay para lang ndi ako matamaan, pero alam kong iko ung pinatamaan non. kahapon lang may pinabasa sa akin, sbi daw sa service ndi lahat masaya. syempre, sapol ako nun.
ewan ko, naghahanap lang ako saya sa service pero ndi ko makita. tinatry kong hanapin don pero wala, at sa iba ko nakikita. kaya siguro unti-unting nawawala ung passion ko at naiiba ung priority ko.
nung weekend, medyo nagalaw ako ng konti. pinagprepray k k god na ibahin n ung pananaw ko sa service, iniiwasan k cya, pinagprepray k pa rin. ayoko kasing sisihin un gmga tao kung bakit nakakaganito ako, kaya pinagprepray k at the same time iniiwasan k. wirdo noh. pero un talga ung ginagawa ko. pero kahit iniiwasan k cya minove pa rin ako ni god.
ganito ung nangyari, cyempre documentations head ako, so incharge ako sa mga pictures and stuff, kahapon nang umaga nagpipicture ako ng mga tao, ung mga participants, ung speaker, ung mga tumutugtog para sa exhortation. tpos may part dito about family and stuff, tpos umiyak ung mga participants. tpos pinagawa sila ng letter para sa parents, tpos dimating ung mga parents. grabe nakakatouch ung part na ito. tipong ung mga tigasin nung camp e napaiyak. biruin nyo un, bato cla pero napamove sila.
eto ung naging wake-up call k. cla ung motivation k para magserve pa. ndi ako sobrang nagaganahan pero meroong nagmomotivate sa akin para ipagpatuloy ung mga responsibilidad ko. dati, gusto kong maggive-up. minsan nga, naiingit ako sa mga taong pwedeng hindi na lang puntahan ung mga activities namin, kasi ako, kailangan kong pumunta kung hindi magkakagulo sa bahay, umiiwas lang sa gulo. dati inirereklamo kong bakit ako kailangan pumunta kahit ayoko, pero ngaun ndi ko na inirereklamo un. nakita ko na ung mga taong kailangan kong alagaan. nakita ko na ung mga taong mamahalin ko dahil sabi ni god mahalin ko sila dahil sila ung magbabalik ng dating sigla na nawala. basta parang ganon.
namomotivate uli akong magserve. nung isang gabi lang sinasabi ko sa sarili ko, ndi na babalik ung dati kong motivation, pero mali ako. bumabalik-balik n cya. paunti-unti. haha, parang economics, may recession stage tsaka expansion. haha.

No comments: