Friday, December 31, 2004

2004 year ender

ayoko sanang year ender to eh. may prinepare akong mas exciting pero huli na para i-prepare ko. siguro sa valentines ko na lang ilalagay. actually mas bagay un sa valentines. pero itong susunod na test result e masasabing kong medyo tama na hindi rin. basta. favorite number ko nga pala ung seven. astig!



You Are the Enthusiast

7

You are outgoing and playful - always seeing the happy side to life.
You're enthusiastic and excitable. You love anything new.
Multi-talented, you do many things well... and find success easy.
You prefer to keep things light with others. Opening up is hard for you.



speaking of test results kapag nakita mo ba ung pangalan mo sa dlsu site kapag nilagay mo ung pangalan mo sa search bar e pasado ka na. nag-aalinlangan nga ako e. sabi ni ingga pasado na ako. pero hindi pa rin ako makapaniwala. wala kasing nakalagay kung "you passed" o yung kabaligtaran. kung sakali man, maraming salamat kay God.
actually hindi ako nag-aral para sa DLSU. late pa ako natulog. galing ako ng GK concert at late na kami nakauwi. buti nga e nakapag-isip pa ako habang nag-eexam. masasabi kong mabisa pa rin ang prayers. sana magpatuloy to hangang march. sana makapasa ako ng UP. Lord, kayo na bahala sa exam results ko ha. UP o UST. kahit ano dun. mas maganda kung UP. Lord, iniiwan ko sa inyo yung mga taong humahawak ng exam ko sa UP. Basbasan nyo po ung machine na mag-checheck ng exam k. Pti ung mag-dedeliberate kung makakapasa ako. Kayo na po bahala sa kanila. Alam kong hindi ako sobrang mabait na bata. Alam ko rin na marami akong nagawang mga pagkakamali. Hindi man ako karapat-dapat, nasainyo ang disisyon. Nasa inyo ang hatol kung saan sa palagay nyo ako nararapat. Iniiwan ko lahat nang mga ito sa inyo. Alam kong hindi nyo ako pababayaan. Amen.
nung isang gabi, may party ung mga couples sa bahay ni tita edith. mga chapter heads, ung cluster head pti ung mga ministry heads. malapit lang sa amin ung bahay nila tita edith, tpos tinawagan kami ni mama, pumunta daw kami. Nung una ayaw ko, pero nung lahat nang mga kapatid ko ay pupunta, sumama na rin ako. ayokong maiwan sa bahay nang mag-isa noh. nandoon si Kring2, kaya pala kami pinapunta, para may makausap sya. sya lang ung nandon na YFC, puro couples na lahat. ung kapatid ko kinikilig, nandon kasi ung parents ng crush nya. as if naman. nag-kwentuhan kami ni Kring. Sa school, UST sya. Tunkol sa mga obits tsaka badaf. Para sa kanya okey lang naman ung mga yon, sa akin, unti-unti ko na silang natatanggap. personally, minsan e na-aatract din ako sa mga babae. sa exclusive school ka ba naman mag-aral eh. sa inaraw-araw nang buhay mo puro babae na lang yung nakikita mo, syempre hindi mo naman sila pwdeng hindi kausapin. sa araw-araw na pag-kausap mo sa kanila, hindi ka ba maeenganyo sa characteristics nila. o dba. pero sinusubukan kong iwasan at layuan. sinusubukan kong wag mag-paanod sa alon. naks! marami daw mga badaf sa malate. tambayan daw ung ng mga bisexuals, homosexual at kung ano man ang tawag nila sa sarili nila, kahit nga babae pa e. meron nga pala akong new word: transexual - mga homosexual emotionally, psychologically at physically. ito pala ung tawag sa mga bading hanggang sa pisikal na anyo. ung mga nag-brabra, make-up at kung anu-ano pang pambabaeng gamit. dati tawag ko sa lahat ng homosexual, bisexual at transexual e bading. un pala may iba't-ibang degree pa to. meron nga daw syang prof na crush, tapos nalaman nya sa mga classmates na dumadalaw din pala ung prof nyang yon sa malate. haha.
ano kaya ang itsura ng mundo kung walang bisexuals, homosexuals at transexuals? kung tutuusin, nakakatawa sila. nakakaaliw silang pakinggan. kahit ganon sila, masaya pa rin silang tingnan. wala akong masamang tinggin sa kanila, maliban lang sa pilit nilang pinapalitan ung mga bagay na binigay sa kanila ng diyos. ano ba ang nagdulot sa kanila para maging ganoon? dahil nag-aral din ba sila sa exclusive school? paano mo ba maiiwasan ang mga ganitong pangyayari? o baka lahat nang tao e nakakaranas ng ganito? haha. wala akong alam.
sige, masayang bagong taon sa inyong lahat. sana mas maging masaya kayo ngaun. maraming salamat sa lahat ng mga taong nakilala ko ngayong taon. medyo maigay sa labas. hindi pa new year pero parang mga binggi ung mga napapaputok sa labas. as if new year na. ung belt ata ung pinapaputok nila. meron pa atang fountain. ang baho. balik na topic. salamat ulit sa lahat ng mga nakilala ko at ung mga taong nanatiling maging kaibigan ko. maraming salamat at hindi nyo ako iniiwan, parati kayong nandyan, pag-malungkot ako, o kahit banggag lang, mas lalo na sa masasayang mga araw ko. maraming salamat at hinayaan nyo akong makilala kayo ng lubusan at makilala rin ako. maraming salamat dahil patuloy nyong sinusubay-bayan ang buhay ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog kong ito. maraming salamat din sa pag-introduce nyo sa akin nitong magandang technolohiyang ito. maraming salamat sa pamilya kong nandyan parati. dati e hindi ko sila gaanong na-aappreciate, pero ngayon okey na. maraming salamat. maraming salamat. ;)

No comments: