Thursday, December 30, 2004

mahabang araw ang nagyari sa akin kahapon.
ndi ako nagising ng maaga. 11:30 na nang tuluyang magising ang aking diwa. tumawag pa nga si tita espie, kahit hindi pa ako ganoon ka gising. sinasabi nya sa akin ung tungkol sa pag-prepare para sa christmas party sa parkwood, magprepare daw kmi ng games at kung anu-ano pa, pero sinabi ko ndi ako makakapunta.
condolence nga pala k ms. sarenas. namatay ung dad nya nung dec. 26, at ung ung pinuntahan nmin kahapon. mga 3 n nung nakarating kmi ng galle. grabe! nung papunta pa lang ako dun, halos mahilo na ako sa fx. sobrang sikip. tama lang ung number ng mga tao pero ung katabi ko para syang dalawa sa laki. hindi ako makahinga. kaya nung pagbaba ko, halos hindi ako makatay0. ngayon ko lang naranasan ang hirap ng pag-cocommute. payong kaibigan, kung commuter ka kailangan mong i-maintain ung weight mo, para na rin sa iba un. o kaya, doblehin mo na lang ung bayad mo para mas masaya. tsaka kailangan mo rin alalahanin na hindi lang ikaw ang nasa sasakyan. mabuti kung private un, e hindi naman kaya kailangan mong alagaan ung amoy mo, baka kasi umaalingasaw ka na, halos mamatay na ung katabi mo, wala ka pa ring pakeelam. maawa ka naman sa health nila noh. sa aun, nandun na ako sa galle, kumain si ale ng pretzels habang hinihintay namin si gene. lahat kami naka puti, pero nung dumating si gene, nasira. naka-green kasi sya. sayang. tpos sumakay na kmi sa bus. isa pa yung bus na un. masyadong mauga. nakakahilo. hindi lang ako ung nahilo, pti si ale nahilo na rin. dpat din pla pti ung bus driver at ung bus e tsini-check. ung bus driver may test dapat, hindi ung bigla na lang prepreno kung kelan nya gusto, at ung bus, kung hindi na maganda, uuga-uga na, kinakalawang na e hindi na dapat hinagamit. alam ko na mahal ang brand new na bus, pero mas sulit naman ung binabayaran ng mga pasahero kung ang bus e presentable, dba?
from junction nag-jeep kmi papunta ng katipunan. may nakita akong kamukha ni avril sa jeep. hehe. tpos bumaba kmi sa ilalim ng flyover at nag-tricycle papunta sa tapat ng miriam, sinundo ksi namin si tanya sa kublai's e. first time kong makapunta ng kublai's. dti ko pang gustong pumunta don, pero hindi ko alam kung paano, ngayon alam ko na! nandon sina mara, maico at marianne. naks! puro m sila. gagawin daw nila ung research project nila at tinangay namin si tanya na kasama nila sa group. astig, sya rin naka-white. so si gene lang ung iba ung kulay ng damit.
nag-tricyle uli kami dun sa ilalim ng flyover at nang-jeep papunta ng UP. Sa UP Chapel nga pala ung burol ng tatay ni ms. sarenas. hanap na hap kami habang umiikot ung jeep sa loob ng campus. kmi ung unang sumakay sa jeep at kami rin ung huling bababa. ang galing talaga. nung nandon na kmi sa chapel halos nagkanda-hilo na kami sa kahahanap kung saan sila, kaya nagtanong na lang kami dun sa office. nakita na namin kung saan. si ms. sarenas mukhang hindi masyadong nakatulog, pero gumagawa sya ng mapa. meron daw kasing reunion ung family nila ngaun at sa UP din gagawin at baka mawala sila, kaya un gumagawa siya ng mapa. kanina nga pala ung libing mga 9:30 ata.
ang dami kung narining na mga pamahiin:
1. kapag inaalok ka ng kamag-anak ng pagkain, wag mong tatangihan
2. kailangan mong ubusin sa lugar ung pagkain
3. pagkauwi mo kailangan mong maligo at palitan ung damit mo
4. mag "pay respects" ka sa namatay, eto hindi na siguro sya pamahiin. it's a must. ang pangit naman tingnan kung pupunta ka don para lang kumain. nakakahiya. it's not of Christian. sana naman pinagdasal mo sya kahit papaano noh. nakakahiya talaga, hindi lang sa pamilya pati dun sa namatay. kahit lang sa huling hantungan e hindi mo sya pinagdasal.
after namin sa UP Chapel uuwi na sana kami kaso lang ang daming delay ang nangyari. nakauwi na sina gene pti ale ksi sinundo na sila ng mommy ni ale. nagpaiwan muna kami, pero hindi namin inaakalang aabot kmi ng 7:00 dun. 6:30 nang makaalis kmi sa chapel, at 30 minutes kaming naghihintay ng jeep. wala kaming makitang jeep papunta ng katipunan. lahat papunta ng philcoa, at hindi namin alam kung saan yon. meron din ikot, kso nga lang hindi namin alam kung saan papunta un. kaya nandun lang kami sa tapat ng chapel at naghihintay. palipat-lipat din kami ng side ng street, dhil akala namin dun dadaan ung sasakyan. medyo matagal tagal na rin kaming nakatayo don. dalawa lang ung dumaan na papunta ng kapitolyo. ung una pinalampas lang nmin dahil nag-aakala kaming may darating pa. ung pangalawa hindi na nagsasakay. kaya nauwi na lang kami sa UP ikot na jeep. Ung IKOT jeep pala e papasok ng UP at ung TOKI e palabas naman. baligtad lang sila. nakakatawa. nag IKOT na lang kami at nagpababa sa sakayan papunta ng Katipunan. kami ung unang sumakay. kami rin ung huling bumaba. parang kanina. nakakatakot pala ang UP kapag gabi na. maraming madidilim na mga lugar o baka dahil wala nang pasok kaya ganon. nung una kinakabahan ako. baka kung saan na kami dalhin nung driver, kaya patingin-tingin na lang ako sa labas. si tanya din natatakot kasi gifted sya ng special powers at ayaw nyang makakita.
nung una nagkwekwento sya tungkol don. dati daw hiniling nyang mawala na lang ung gift nya. tpos nagkasakit sya. natatakot na daw kasi sya masyado sa mga nakikita nya. buti na lang hindi ako gifted ng ganon. naku! mamamatay ako. kwento pa nga lang eh, nangangatog na ako sa takot, paano pa kaya kung totohanan na? minsan din napapatanong ako, totoo ba talaga ung mga yon o likhang isip lang? baka kasi ginagawa lang akong tanga ng mga kwento na kahit ako hindi ko pa nakikita. meron na akong experience ng mga nasasapian, pero hindi sapat para mawala ung pagtataka ko. pero kahit nagtataka ako sa mga ganitong bagay, natatakot pa rin ako. likas na siguro akong matatakutin. pati sa heights e natatakot ako. baka kasi may manulak bigla, syempre hindi ko na mapipigilan un noh. ano kaya ung nararamdaman ng mga taong gifted? siguro sobrang malakas na ang loob ng mga yon kasi sanay na silang makakita. naalala ko ung unang horror movie na napanood ko sa movie house, sixth sense. ito ung una kasi ayaw ng mommy kong nanonood ng mga nakakatakot, since nasa kanya ung pera e di mataas ang porsyento nya sa pagdidisisyon. kasama ko nga sina fay tsaka cuaresma manood e. birthday ni fay non at ininvite nya kami sa galle, mag-dreamscape at kung anu-ano pa. nung grade 6 pa ata un. hindi masyadong tumatak sa akin ung mga nakakatakot na eksena, baka masyado akong naging masaya kaya ganon. ngayon pag nanood ako ng spirits natatakot ako.
naunang bumaba si tanya, ksi sa kublai's lang sya kami ni noe sa dula pa. tapos nawiwi muna kami. nilalamig na ako bago pa lang kami makarating sa UP. tinuro nya rin sa akin ung sta. clara, ung inaalayan ng itlog kapag mag-eexam. sayang hindi ako nakapag-alay. nung papunta kasi kami sa UP, may pupuntahang iba sina mama. sayang. pero pinagdasal ko naman ung results kahit noon pa. nag-jeep kami papunta ng marikina, at napagusapan namin ung tungkol sa mga taong nagbabayad para makapasok sa mga prestigous schools.
nanghihinayang ako sa mga yaman na meron sila. alam kong sobra-sobrang pera ang meron sila, pero masmaganda kung ipupundar nila ito sa kakayahan kaysa naman sa hinahayaan nilang yumaman ung mga taong wala namang maitutulong sa isusulong nang buhay mo. kung ako ung may ganoon karaming pera, mag-woworkshop ako: acting, guitar, piano, drums, dance, arts at kung anu-ano pa. tama nga ung "invest mind" na commercial. aanhin mo ung magagarang damit kung ung utak mo wala namang laman. isa pa ung drugs. napakawalang-kwentang bisyo. sisirain mo lang ung buhay mo at sa paraan pang walang kakwenta-kwenta. masmaganda kung mamamatay ka pa kung tatalon ka sa building o babarilin ang sarili kaysa sa ganon. mahaba na sya, pahihirapan ka pa paunti-unti. sabihin nating masaya, pero panandalian lang. hindi rin tatagal. sayang lang ang ipinambayad mo para makabili non.
nakauwi na rin ako sa wakas. wala ring sablay sa pag-aalala ang mahal kong si nanay noe at si mommy janet. sige, text ng text, gusto nyo bang mawalang ako ng cellphone ng di-oras? pero okey na rin. masmaganda na rin ung may nag-aala kaysa sa wala, kaya okey na rin mawalan ng cellphone kaysa mawalan ng nag-aalala. mahal ko kayo! pramis!
pagkauwi ko, kumain muna ako ng konting tart at pumunta sa Christmas party ng Parkwood. Dapat emcee ako, pero di bale na lang. kayang-kaya naman nila angela, mark tsaka don-don un eh. mga sanay na rin un. pagdating ko naririnig ko na si angela. sabi nya, kakanta daw sya. ako naman, binalewala pero totoo pala. naks! may career na na rin ah! natawa tuloy ako nang may sinabi si mara... ndi ko na sasabihin, pero bahala na lang kayong mag-observe kay angela habang kumakanta sya :) *peace* nanalo kami ng lutuan. gusto ko sana ng dvd player, o kaya nung mini ref, o kaya nung tv. siguro hindi lang talaga para sa amin un.
ung huling banda, maganda. splitcide. astig, meron silang turn-tableist. ewan ko kung un ung tawag sa kanya. astig, ang galing din nung singer, tsaka may itsura. nandon rin si juno kato. matagal ko na ring naririnig ung pangalan nya dahil kay karen, pero hindi ko pa siya nakikita. kaibigan nang kuya ni karen, at nagkataon na kakilala ni angela kaya nasasama sa usapan. nakatira nga sya dun sa malaking bahay na malapit sa main gate ng ph1. hindi ko inaakalang may teenager, kung teenager pa siya, dun bahay na un. mas hindi ko rin inaakala na may rocker sa bahay na un. medyo malaki at dark ung kulay ng bahay nila. parang malungkot ba. lesson learned? don't judge a book my its cover. sa ung vocalist, kahawig ni Bamboo. Sabi nga ni angela, kahawig ni Pao, sbi ko hindi. baka lang naalala lang nya si Pao kaya naisip nya kamukha ni Pao, pero mas kamukha ni Bamboo, pati sa galaw. malikot din syang kumanta. naalala ko nung nag-perform si Bamboo sa GK, tumatalon-talon, perang sya, nag-breakdance pa nga eh. nakakatawa.
umuwi na kami, hindi ako naligo, pero nagpalit naman ako ng damit. hindi ko kailangan maniwala sa mga pamahiing iyon. basta ni-respeto ko ang patay okey na.

No comments: