maligayang pasko sa inyong lahat! woohoo!
ang saya-saya talga ng pasko ko. ewan. unti-unti nanaman akong nakukuntento sa buhay. napakasaya talaga nang buhay. kahit may konti sablay, okey pa rin masaya pa rin cya. nung isang araw natapos ung huling aticipated simbang gabi ko. wahaha. at nakabili na rin kami ng lovers in paris vcd. pinanood ko siya nung isang araw hangang kahapon ng madaling araw. ndi ako ganoon ka kontento sa ending, pero okey na rin. pagkatapos kong panoorin lahat, bigla na lang... love-is-in-the-air ung feeling. grabe, sa lahat ng mga naging crush ko, over na ako sa inyo. wahaha. may bago na akong crush. nyek! Lee Dong Gun. Wahaha! ngayon ko lang narealize kung bakit ung mga tao ay nahuhumaling sa mga koreano at koreana. parang ako. dati naman e hindi ko trip ung arirang tv, pero ngayon e bumubisibisita na ako. gusto ko na nga rin mag-aral ng korean language e, tsaka dream tour ko na rin ang Korea. haha. sabi ng mga tao, ndi daw ganoon ka gwapo si lee dong gun, wala akong pakeelam. gusto ko siya pagnagagalit, mas cool syang tingnan sa mga episodes ngayon. pormal na pormal. mas lalo na sa mga sumusunod na episodes. trip ko ung ugali nya sa lovers in paris. kung pwedeng kasama na lang ako sa storya para hindi sya maghihirap nang ganoon eh. honestly, un talga ung nafeel ko pagkatapos kong panooein ung lovers in paris. sobra-sobrang sacrifice ung ginagawa nya, at sobra-sobra ring pagpapapansin, pero hindi pa rin cya ung pinansin. na-iyak ako nung *spoiler* nagkunwari syang may amnesia para lang i-let go si vivian. ang kulit nyang umiyak, at nakakadala rin. ngaun lang ako nakakita nang lalaki na umiyak nang ganoon. parang hagulgol ba. hehe. ako kaya, magagawa ko kaya un. ung i-let go ug taong pinakamamahal mo. meron akong naging crush pero alam kong deep in my heart *naks naman* iniisip ko pa rin cya. pero ngaun okey-okey na. kaya ko na ngang makita ung girlfriend nya eh. actually, nakita ko na, nung birthday nya. wahaha. parang wala lang, as in, parang hangin na dumaan. ano un. inaantok na nga ako nung pahuli na eh, mga 10 na ata non, at may ustet pa ako kinabukasan. dati pagnandyan sya, buhay na buhay ako. ngaun, parang wala na lang. nakapag-let go na ba talaga ako? good news siguro sa akin to. matagal ko na rin syang gustong kalimutan, pero hindi ko magawa. maganda na rin sigurong nag singles for christ na cya, para madali ang lahat. astig! so balik kay lee dong gun. ang gwapo talaga nya. pinagdadasal ko nga sya parati eh. ;) ewan ko kung makikita ko sya, pero ayaw kong mag-expect. bahala na si God sa kanya. buti na lang hindi ko napanood ung mga susunod na episodes ng lovers in paris bago maglast day nang simbang gabi, kung napanood ko un, baka iba ung na wish ko. *wenk* present status ko ngaun, a lover. haha. kung hindi nyo kilala si lee dong gun, magpopost ako ng pic nya. mayamaya lang. okey na rin siguro ung may inspiration, kaysa naman sa wala. he's 24, okey na rin. ;) ayoko naman nang mas bata sa akin noh! kasuhan pa ako nang mga magulang nun ng child abuse. may SBS ba sa cable? meron daw bagong series si lee dong gun (dongun-sang sa japanese) gusto ko rin mapanood. gusto ko syang suportahan. naks! medyo-oa na ata ako. gusto ko lang sabihin na may bago na akong inspiration, at natutuwa ko na si lee dong gun iyon. :)
No comments:
Post a Comment