Sunday, December 26, 2004

ngaun, naiiba ang mood ko. trip kong lumawak ung vocabulary ko, kaya un, bumili ako ng Word Power Made Easy by Norman Lewis. Balita ko, nakakatulong daw to. chapter 1 pa alng ako. medyo challenging pero okey na rin. ayoko kasing gumawa ng assignments. mas gusto kong magpractis ng pagpiano, dahil nga nangangalwang na ang aking mga daliri, mas gusto ko rin maglinis ng bahay at paulit-ulit na panoorin ung lovers in paris, lahat to mas gusto kong gawin kaysa gumawa ng assignments. alam kong medyo maraming assignments: english, research, meron pa ba? basta ayoko pa silang gawin.
may nanghiram nga pala ng lovers in paris na vcd nmin, medyo nagiging-oa na talaga ako. ayaw pagas-gas. sayang din naman ung P600, kahit pirated lang un noh. marami-rami na rin ang nakikinanbang sa pirated na vcds, pti nga mga director. kasi ang pinoy e talgang naghihirap. merong bumibili ng mga original cds, pero mas marami pa rin ung bumibili ng pirated. ikaw ba naman kung papapiliin ng P30 o P500 na cd. san mo gugustuhin? pero alam kong iligal un, kaya nga kasama ako sa mga masasamang taong tumutulong sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng pilipinas. haha. tapos sasabihin kong tutulungan ko ung economy sa pag-ulad tapos ngaun eh tumutulong pala ako sa pagbagsak nito. naks! ang labo ko! siguro, ngaun, hindi muna, wala talga akong perang pambili ng orig na cds. poor din ako eh. pero kung tumanda-tanda na ako at kumikita na ng sapat, tutulong ako. yan!
ngaun sinisimulan ko na ung pag-aaral ng korean language. sinisimulan ko sa pag-aaral ng pagbabasa ng mga syllables nila. ang hirap pala. pero kakayanin ko. akala ko madali lang, pero baka matatagalan pa bago ko tuluyang maintindihan kung papaano magsalita ng korean, magbasa ng korean alphabet at magsulat na parang tunay na korean. start pa lang naman to eh. kakayanin ko talga. in-case, bumisita ako sa korea, ndi ako magmumukhang tanga na gumagawa ng kung anu-anong signs habang nag-shoshopping. para sa akin, mas magandang aralin ang korean language. kasi kahit konti wala akong background tungkol dito. hindi naman pinag-aaralan sa skul ung mga ganoong syllables, hindi katulad ng french, spanish, latin tska english [nyek!] tsaka, since un na ung dream vacation ko, mas maganda na rin ung may-alam akong words nila, dba?
haha. wag mag-aalala ang mga tao, hindi ko iiwan ang pagiging pilipino [susubukan kong tuparin to]. sabi kasi ng kapatid ko, titira na daw ako sa korea eh. basta, hindi ko tatalikuran ung pagiging pilipino, tulungan nyo ako ha.
ang dami kong gustong gawin, nadala na rin ng sobrang ka-borlogan. wala kasing magawa dito sa bahay eh. kaya yan, kung anu-ano na lang pinaggagawa ko. pero mas maganda naman kaysa sa wala. tsaka fruitfull rin naman ung ginagawa ko dba? hehe.
belated merry christmas nga pla, tsaka advance happy new year. ;)

No comments: