kaninang hapon, muntik nang masunog ung parkwood, dhil sa walang kwentang kapitbahay namin. hindi ko sya gaanong kakilala, at wala akong balak kilalanin ang isang katulad nya. unang-una hindi na magaganda ang mga nababalitaan ko sa kanya, kahit ung kapatid ko na nakakausap sya e hindi rin sya gusto. kahit ung ilang ka-yfc kong bumibisita dito at nakikilala sya, ayaw rin sa kanya. ewan ko kung bakit maraming taong ayaw sa kanya, ang alam ko hindi talaga maganda ang ugali nya. siguro, dala n un nang magkahiwalay ung mga magulang. sabi nang tita ko dati, hiwalay ung mga magulang nya. tpos may nakita rin daw mumu na pumasok sa bahay nila. scary! hehe. ui, mahilig din syang magpaputok. sya ata ung nagpaputok kagabi ng 'sinturon ni hudas', ung labintador ata un, hindi pa new year yun ha, akala na niya new year na. ang ingay tuloy.
nakakainis ung mga taong nagpapaputok nang hindi pa new year. hindi lang sila nagaaksaya ng pera, pinapahamak pa nila ung sarili nila. hindi kayo matulad sa amin. hindi kami gumamit ng paputok, pero masaya pa rin kami. medyo nag-noise pollution lang kami ng konti, nagpatug-tog si papa ng mga videoke stuff nya, okey naman un, tsaka music naman ung pinapatug-tog nya, walang kumakanta ha, instrumental lang, so hindi gaanong noise pollution. kanina nung nanood ako ng mga balita, grabe, natatangahan ako sa mga Pilipino. Taon-taon na lang e pinapakita ung mga trahadya dala ng mga paputok, pero ang mga Pinoy eh talagang napaka-tigas ng ulo. grabe na. ung iba wala nang mata, wala nang daliri, wala nang buhay, pero hindi pa rin sila nadadala. grabe! merong nasunog na mga bahay dahil sa paputok, maraming nagbebenta doong mga bata, at hindi na sila nakaligtas dahil biglang nagputukan ung mga paninda nila. syempre, since sila ung nagtitinda sa kanila tumama ung mga putok ng mga paputok na tinitinda nila. ang daming namatay, halos abo na sila nung nilabas sa mga nasunog na bahay. wala nang kadala dala. nakailang paalala na ang media na hindi maganda un, nagpapaparty pa nga sila na may fireworks display para hindi na magpaputok, pero hindi pa rin makuntento. maraming taong naghihirap pero sila mismo bili ng bili ng paputok, hindi man lang nila na isip na hindi nakakatulong sa pagtitipid ung pagbili nila ng paputok. oh my! natatangahan talaga ako. sana mas nag-iinvest sila sa tiyan kaysa sa ikapuputol ng daliri. anong mas gusto mo, mabusog o isalubong ang taong kulang-kulang? biniyayaan ka na nga ng kumpletong katawan hindi ka pa nakuntento, at magpasalamat. maraming mga disabled ang nangangarap na magkaroon ng kumpletong katawan pero ikaw na kumpleto e hinahayaang mabawasan. naku talaga!
balik dun sa kapitbahay namin. kanina pa syang umaga nagpapatutok. tpos biglang nagliyab ung madamong open space sa tapat nang bahay nila. hindi naman siguro masusunog un sa lakas ng sikat ng araw noh. hindi fire hazard month ngaun, ang lamig nga e. ang naiisip kong dahilan, nagpapaputok sya tapos tumalsik sa grassy area, at nasunog o kaya naman, doon sa grassy area sya nagpapaputok, mas malaking katangahan. hindi man lang naisip na madaling masunog ang grass. kung balat ng tao nga e nasusunog, damo pa kaya? buti na lang e napigilan, kung hindi abo na ang parkwood. hindi na rin ako nagtatype. kanina e napapaisip ako ng masama sa kanya. alam kong masamang magisip ng hindi ikabubuti ng iba, pero un ung naiisip ko. pasensya Lord, umiiral nanaman ang kasamaan ko. pero hindi ko na ipagdadasal un. Lord, sana maging mabait na sya, kahit ano mang ugali ang meron sya. Dati gusto ko syang kausapin, pero wala akong lakas ng loob, tsaka hindi naman talaga kami magkakilala, kahit matagal na kaming magkapitbahay. actually, snob ako dito sa village. hindi ako masyadong namamansin, ung mga kakilala ko lang, minsan nga e kahit kakilala ko hindi ko rin pinapansin e. ang sama ko talaga. Lord, sana nga maging mabait na sya, maintindihan nya ang buhay, maging mabuting ehemplo sa nakababata nyang kapatid, babae pa naman. sana po Lord basbasan nyo ang pamilya nya, ang nanay nya, na mag-isang pinapalaki silang dalawa. sana po pati na rin ung ibang pamilya na hindi buo, sana hindi mawalan nang loob ang mga anak sa paghihiwalay ng mga magulang nila. ipinapagdasal ko rin po ang mga pamilya, bagamat buo e hindi nagagampanan ang mga responsibilidad sa isa't-isa. sa mga pamilyang buo naman po, sana patuloy silang maging masaya at malabanan lahat ng mga pagsubok na darating sa buhay nila. maraming salamat po sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. parati nyo po silang gabayan. madama sana nila ang pagmamahal na gusto kong ipadama sa kanila. amen.
No comments:
Post a Comment