medyo masakit pa ang balikat ko. kagabi, nangangalay ang kaliwang paa ko. hindi ko maitayo ng matino ang buong katawan ko. naghihina, at gustong akapin ang malambot kong unan para matulog.
naks! maypaintro-intro pa. kahapon nagfieldtrip kami sa banahaw. astig. kahit pag-uwi ko sa bahay e masakit ung katawan ko, gusto ko pa ring bumalik sa banahaw. gusto kong gawin ung mga ginagawa ng mga napapanata. hindi lang para sa adventure, para na rin sa faith. gusto kong makaakyat sa tuktok ng banahaw at makita ung crater.
cyepre nasa skul ako ng mga 5:20. pasaway. sabi nga ni ms. castilla, dapat 5:10 nandon na eh, pero may mas pasaway, si sir bau. makikifieldtrip na nga lang, magpapalate pa. hindi sya ung pinaka-late, pero nasa bus na kami, saka lang sya dumating. nagdodorm na nga sa skul e late pa (sbi nila nagdodorm daw sa skul si sir bau, ewan ko lang kung gaano katotoo) wahaha. akala ko nga hindi sya sa amin makikifieldtrip. sbi nya kasi nung isang araw, baka sa room 7 sya. pero hindi pwede yon! hindi naman namin teacher si ms. visaya o si sir macy, hindi sila pwedeng sumabay sa amin. si sir bau lang talga ung pwede. buti na lang, tama ung disisyon nila. wahaha. nakipag threesome din sa amin si angela, threesome na hindi ung bastos pero tatlo kami sa magbubuddy. sumabay sa amin sa field trip si raquel, guitang at gege.
ung facilitator namin e si kuya emer. mahilig sya sa jokes. ang dami nyang alam, pero mas marami kaming alam, dahil sa bawat joke na sasabihin nya, alam na namin, kaya walang kwenta. kahit mahilig syang mag-joke, hindi pa rin ung nagpapatunay na magaling syang mag-lecture. ewan ko, pero parang hindi nya alam kung ano ung tinuturo nya, kaya nakakaantok. basta pagnaglelecture sya, sumasandal na ako, at pipikit. natatawa ako dun sa mga jokes tungkol sa trabaho. matagal ko nang alam un, pero natatawa pa rin ako. ikaw ba naman bigyan ka nang trabaho sa mmda, at ikaw ung humps. nakakaloko, nakakainis, at nakakatawa.
puro tawanan kami nung pauna ng trip, kasi puro jokes, pero pagkatapos non, cyempre lecture nanaman, nakakantok, kaya natulog na lang ako. halatang natutulog ako, nasa aisle ba naman ako at pangatlo mula sa unahan, hindi ba naman mahalata un. pero wala akong magagawa nakakantok talaga syang maglecture, walang kabuhay-buhay, hindi sya pwedeng maging teacher, lahat nang estudyante nya maspipiliing matulog kaysa sa makinig sa kanya. gusto kong i-describe ung itsura nya. sa malayo mukha syang si Song Seung Heon, nang Endless Love 1, Autumn Love. pero sa malayo lang, mga 10 meters na layo, pero pagmalapit na hindi na. hindi sya ganoon ka gwapo, hindi rin naman pangit, hindi ko rin naman tipo si Song Seung Heon eh, kaya no comment na lang, kahit nagcomment na ako. labo. meron pa kaming isa pang kasama, si ate melissa, pero hindi sya facilitator, cya ung team leader namin. haha. may pa team-teamleader pa silang naiisip. haha. pero alam ko naman kailangan to eh. kahit nga sa youth camps e, kailangan din. may common sa kanilang pareho. alam kong medyo babagal-bagal kami. late kaming nakaalis sa skul, maraming gustong magwiwi, mabagal umakyat ng kalbario at kung anu-ano pa, pero ito nman talaga ang pwede mong i-expect sa all-girls school, sa mga taong hindi sanay sa treking at kung anu-ano pang mountaineering stuff, pero hindi naman nila kailangang maging hb, hb as in high-blood. biruin nyo nung may na-ihi sa amin, tapos maraming bumaba sa bus para umuhi rin, na-hb si ate melissa, binato ung cellphone sa upuan nya. ewan ko kung ako lang ung nakakita, pero alam kong may binato sya, hindi ko lang siguradong cellphone un, basta alam ko nagtetext sya, tapos nung maraming nakisabay sa pagihi, na-hb na agad. alangan naman hayaan nyong ma-UTI kami noh. alam ko ung feeling na na-iihi, at kapag pinipigilan mo sya, masakit. hindi rin naman kami pwedeng hindi uminom, ma-dehydrate naman kami, masakit sa lalamunan un, pati sa labi. kaya pagbigyan nyo na. sinabi ko kanina pareho silang hb, si kuya emer naman sigaw ng sigaw, mabagal kaming maglakad, pero sinusubukan naming bilisan. grabe talaga. kailangan mo talaga ng sobrang pasensya sa mga ganitong bagay, at nakulangan sila don. si ms. castilla nagkwento tungkol sa dad nya, tpos napunta dun sa bag gift nya sa akin nung exchange gift, sya kasi ung nakabunot sa akin. ung dad daw nya ung pumili non. ang saya nga eh, medyo matanda na sya, pero ganoon pa rin sya ka-close sa family nya. nakakasama nyang magmall ung dad nya.
nung nagtretreking na kami papunta dun sa parang bahay unti-unti naakong naeexcite. hindi ko alam, pero gusto kong masmatutunan kung ano ung pinapanata ng karamihan sa mga Pilipino sa Mt. Banahaw. binaba namin ung ilang gamit namin sa isang kubo na open don. may nakita kaming mga Paulinians sa Parañaque, third year pa lang sila sa Mt. Banahaw na ung field trip nila, napaisip tuloy ako, sa fourth year kaya nila saan ung field trip nila? hindi ko na inalam. nakita ko si kuya clint. naging facilitator namin sya nung field trip namin nung 2nd year, nakalimutan ko na kung saan, asenso na nga e, team leader na sya. saan na kaya si kuya mon? sya ung team leader nung 2nd year kami e. ah basta, gumagwapo si kuya clint, dati kalbo un, ngayon may buhok na, nakita ko pa nga sa dyaryo un eh, tsaka sa cosmo. hehe. Si kuya Clint ung nagteteamlead ng fieldtrip ng mga taga-Parañaque.
kumain muna kami sa kubo, may aso doon, pinapakain ni rosalie nang tinapay nya, tuloy habol na habol ung aso sa kanya. nakikain si sir bau, alam ko may baon syang dala, pero nakikain pa rin, hindi naman kami madamot, mas lalo na kung alam naming sagana kami sa pagkain,katulad nang mga panahon na un. kinain nya ung kanin ni keziah, hindi kasi maubos ni keziah, marami kasi eh, kumain din sya ng hotdog, at kung anu-anong nakahanda don, mahilig sya sa hotdog dahil nakailang hingi rin sya. ako naman ung kinakain ko, omelette meal na binili ko sa mcdo, wala pa silang big mac nung dumaan kami kaya un na lang ung binili ko. nung una nga e, champ ung natanong ko sa sales lady, practis na practis pa naman akong big mac ung sasabihin habang naghihintay sa pila, tapos nung kausap ko na ung babae sa counter, champ pa rin ung sinabi ko, meron talagang ganon noh. si sir bau e nakita nung asong kumakain kaya sya rin hinabol nung aso, paikot-ikot si sir bau para umiwas, tingin na tingin ung aso sa kanya. nakailang ikot din sya pera umiwas sa aso. siguro nawalan ng gana si sir bau kaya hindi na nya naubos ung kanin ni keziah. nakakatawa sya minsan, actually parati pala syang nakakatawa. kakaiba ung mga hirit nya.
Inakyat na namin ung kalbaryo, sabi ni kuya emer walking distance lang daw, meron bang walking distance na 45 minutes mong nilalakad. nakakapagod, pero astig. nachachalenge ka dahil iisipin mo kung saan ka tatapak, paano aakyat sa ilang mababatong lugar. nakasalubong namin ung mga taga-parañaque paakyat. naka-red sila meron ding nakayellow, ung ata ung pe nila, may pangalan pa sa likod. sabi nga ni dianne hindi pwedeng maghiraman sa skul nila ng uniform, halatang hindi kanila ung uniform, sa skul kasi ganon, hiraman, kahit sapatos eh, kahit nga gamit na ung uniform e pinapatulan, minsan kahit hindi rin kasya sa kanila, para lang may maipakita kay ms. fernandez. minsan kasi may mga pe classes kaming hindi kailangan magpalit, kaya un, makakalusot sila. si liza binibilang kung ilang beses siya humawak sa mga bato, nung una akala ko para magyabang pero sabi nya, nakakadiri daw kaya ayaw nyang hawakan. si irish naman biglang humirit na napapagod na sya, tpos sinabi nya "Charlene, I will forgive you if you don't catch me", natawa ako. nakakapagod talagang umakyat don, at alam kong un ung nararamdaman ni Irish. Hindi lang sya nakakapagod, ang dumi pa, ang dumi ng paa ko. kahit nakakapagod umakyat worth it ung pagakyat, mas marami naman ung paghihirap ni Jesus para isalba tayo sa kasalanan, wala pa sa kalingkinan ung pagakyat namin. syempre nag-offer ako ako ng prayer, para sa fasting na gagawin ko hanggang sa malaman ko ung results ng UP, tsaka para na rin sa results ng UP.
nag-nonovena nga pala ako kay St. Jude Thaddeus. Sya ung patron ng mga taong "in desperate need", ewan ko kung desperado ako, pero nagdadasal pa rin ako kay St. Jude para sa UP, tsaka para makapagchange course ako sa UST. Biruin nyo, ang pinasahan ko e, Applied Physics, Major in Instrumentation, namali kasi ako ng course na nashadan, nagdouble-check na ako sa lagay na un ha. ewan ko kung ano ung nangyari, pero ganon talaga, bigla ka na lang natatanga sa mga oras na hindi ka dapat ma-tanga. grabe. ayoko ko pa naman umulit ng exam, sana pwedeng magpa-change course, sana may slot pa sa Psychology. Lord, kau na bahala. Syempre kasama nang pagnonovena ko ung fasting, para mas maganda. Nagfafast ako sa pagmumura, ilang mannerism, tsaka love life. Nung una ang nahihirapan ako e ung mannerism pero ngayon sa love life na ako nahihirapan, bumabalik ung crush ko sa isang tao. dati nung retreat crush ko sya, tapos ngayon, bumabalik. may clue na kau kung anong gender nya. may nangyari bago kami magfieldtrip para ma-trigger un, nakakainis ung homeroom, wrong move din naman ung ginawa ko. ang hirap iwasan. nung fieldtrip, hinahanap ko sya, basta, inaalam ko kung nauuna sya sa akin o nahuhuli, kung okey sya, at kung anu-ano pa. dapat pala hindi ko nalang ginawa ung ginawa nung homeroom, para hindi rin nya sabihin ung sinabi nya, at magdulot ng ganito sa akin. ayoko na. kailangan maseclude ko ung sarili ko mula sa kanya, pero mukhang mahihirapan ako, ka-elective ko sya, at magkakaroon ng mga practices simula sa monday, hindi pwedeng wala sya don. ang hirap nung napili kong i-fast. sobrang nakakachallenge, pero alam kong part un, at natetest ung endurance mo sa mga ganoong bagay. kung nababasa man nya to, malamang-lamang, may clue na sya na sya un.
okey, balik sa fieldtrip, pagkaakyat namin sa kalbaryo, bumaba rin kami, hindi pa nga kami nakakapagpahinga ng lubusan eh, pero wala akong magagawa, kung gusto naming magawa lahat nang activities, kailangan na naming bumaba. mas mahirap bumaba, ngayon pa na hindi ko dinala ung tubig ko paakyat ng kalbaryo. muntik na ngang himatayin si liza eh. alam kong nanghihina na sya. pinapahinga ko na nga muna, ayaw nya, pilit nyang kinakaya. ang kulit nga eh. kahit wala akong tubig, masmahirap pa rin talagang bumaba, may mga lugar na kailangan mong umupo para maabot mo ung susunod na step. kahit mahirap mas mabilis namang bumaba kaysa sa umakyat, kasi nga hindi ka naman against gravity eh. ung sandals ni angela bumigay, natangal na ung swelas. last year pa daw un, mga P200 sa megamall. na reach na rin nya ung peak nang pagsisilbi kay angela, hindi rin nya kinaya ung kalbaryo, kaya naggive-up na rin.
nangnakabalik na kami sa kubo, pahinga ng konti, inom ng konti, at pinatanggal na rin sa amin ung mga sandals namin. papasok na kami ng husgado at hindi pwede ung mga sandals o rubber shoes don. ang hirap pumunta don, biruin nyo wala kaming saplot sa paa, tpos umaapak kami sa batong matutulis, hindi pa un ung sa loob nang kweba ha. ang sakit talaga. sabi ni kuya emer, kapag nakalabas ka daw don ng walang galos o bukol hindi ka daw makasalanan, kapag dumaan ka daw don, mapapatawad na ang mga kasalanan mo. sabi rin ni kuya emer ung papunta daw don may bangin. bigla akong natakot. hindi naman sa takot ako sa bangin, pero may napaginipan si liza. syempre buddies kami, tapos mahuhulog daw ako sa bangin, makukuha nya ung kamay ko, pero sa bigat ko kung ikukumpara sa kanya, syempre hindi nya kakayanin at pareho kaming mahuhulog. kinontrata nga namin si rosalie na pumagitna sa amin para hindi matuloy ung napaginipan nya eh, buti na lang walang masamang nangyari. thank God. bago kami pumasok sa kweba, hintay hintay muna nang konti kasi kailangan hindi sobrang magkakasunod ung mga tao kasi maliit lang ung space, baka makulangan nang air at hindi kami makahinga. habang naghihintay kami, nagkwekwento si ms. castilla, tungkol kay queenalie at kung anu ano pa. nakakatawa nga syang magkwento. habang nagkwewento si ms. castilla, kumakanta sina krista, gege at anna sa loob nung kwebang walang lulusutan, kung saan may mga kandila at mga imahe ni Mama Mary. tpos may dumadaan na mga natives at may kasama silang mga aso. astig ng mga aso noh, walang kahirap hirap para sa kanila ang umakyat ng bundok.
madilim ung kweba, pero may mga kandila naman sa loob na nagsilbing ilaw sa husgado. akala ko mahaba ung kweba, maikli lang pala, mahirap lang pumasok. nauuna sa akin si rosalie, kaya nakikita ko ung paghihirap nyang sumuot sa maliliit na butas. papasok pa alang ako naiisip ko na ung mga taong takot sa confined spaces, tapos natatakot na rin ako, kasi minsan naiinis ako sa mga masisikip, pero hindi naman ako takot, hindi lang kasi ako makahinga nang maayos pag ganon. si kuya emer ung unang tumutulong sa aming pumasok may malalim kasing butas na baka malusutan namin, hindi ko alam kung saan un patungo pero wala na akong balak alamin. may sobrang liit na butas don, nahihirapan ngang pumasok si rosalie, nakailang ulit syang pumasok don, ang galing, na-overcome din nya. akala ko sobrang haba nya, hindi pala. nauntog ako pero wala akong bukol, alam kong makasalanan ako at alam nyo naman kung tungkol saan un. lumabas kami dun sa mabamboo na kubo. un ung unang kong napuna, nung una hindi ko alam kung para saan, pero ung pala ung lalabasan ng mga dumadaan ng husgado. proud nanaman ako kay rosalie. naging proud na ako nung pinapanalo nya ung seniors against sophomores sa softball, ngayon proud ulit ako dahil nalusutan nya ung husgado at testigo ako. haha.
pagkatapos nun, pahinga ulit sa kubo, konting kwetuhan habang hinihintay ung ibang lumabas sa husgado. tpos dumaretsyo na rin kami sa batis. astig na treking din to, nakakalito ung mga lilikuan, may part na masyado na kaming nahuhuli, at hindi na namin nakikita sina pre, may dalawang daan kasi at hindi namin alam kung saan liliko, kaya binalikan kami ni kuya emer. may dinaanan kaming bato na isusulat ung pangalan ng sarili mo tsaka ung mga loved ones mo. una kong sinulat ung pangalan ko tpos nung family ko, ung barkada ko, ilang mga crush ko, kasama pa nga si dong gun don e, ung mga tita ko, tapos sinulat ko na lang "lahat nang minamahal ko". gusto kong isulat lahat nang tao, gusto kong sulitin ung pagkakataon na un, hindi ko alam kung kelan ulit ako makakabalik, pero gusto kong bumalik. tpos bumaba na kami sa mahabang stairs papunta ng batis. nung una ang daling bumaba, tpos nung malapit na kami, nagiging steep ung stairs at nahihirapan kaming bumaba, kailangan pa naming humawak sa rope, naasar ako bigla nang may naririnig akong pababa ng stairs, nakaslippers sya, un ung naririnig ko ang bilis nyang bumaba. samantalang hirap na hirap kaming bumaba, sya naman walang kapagod-pagod. wala akong magagawa, sanay na sya, isa sya sa mga natives don na nag-tour sa amin at sya rin ung nagsabi sa amin isulat namin ung mga pangalan ng mga loved ones namin sa bato.
syempre dahil alam naming isang malaking simbahan ang buong mt. banahaw at alam naming pwesto ung batis, tinangal namin ung sandals namin at lumusong sa tubig. ang lamig at masakit din sa paa, hindi naman kasi sya sand at mabato. parang tubig sa baguio. hindi sya ganoon ka lalim hangang thighs lang pero parang naligo ka sa bathtub na puno ng ice ang lamig. ang sarap. dumating na si kuya emer, tapos parang nagalit sya nung nalaman nyang wala kaming saplot sa paa, kasi pinapaurong nya kami tapos may humirit na nasakit na sa paa, sya naman ung may kasalanan eh, pero nagsorry din sya. pinalublob nya kami para sa pagovercome ng ilan sa mga pwesto, para sa paggraduate namin at .. nakalimutan ko na kung ano ung isa. basta alam kong tatlong bestes kaming lumubog, katabi ko nga si ms. castilla eh. nakita namin si sir macy na magswimming sa batis. feeling malalim ung batis, sumusisid ba naman. sabi ulit ni kuya emer kapag nabilang mo daw nang tama ung mga steps magkakatotoo ung wish mo. alam nyo na kung ano ung wish ko. pagahon namin naginginig kami sa lamig. umakyat kami, kasabay kong magbilang si angela. salit-salit kami ng numbers. kasunod namin si liza. mas nakakapagod umakyat dun sa stairs kaysa sa sa kalbaryo. baka dahil sa sobrang panginginig ko nahirapan akong huminga. naubusan din ako ng energy e. astig. tama ung bilang namin. sana magkatotoo. kayo nang bahala Lord ha. bumuli ako ng souvenir. ung may cross. natipuhan ko ung tig-P100 kaso lang wala na akong pera, kaya nauwi na lang dun sa tig-P15, at least may souvenir ako noh.
sumakay kami ng jeep. parang nung papunta pa lang kami, danaanan namin ulit ung may obstacle course at ung malubak na lugar saka kami nakarating ng bus. doon na kami sa bus nagpalit. ang hirap kasi madilim tsaka masikip. muntik ko ngang maiwan ung panty ko e, buti na lang nakita ni angela. haha. wala pa ung iba non, kaya mas madaling magbihis kasi konti lang kami sa bus. may banyo pala talaga, kasi nung magwawashroom sina tangent hindi nila makita si kuya emer para tanungin kung saan ung washroom, nung paalis lang kami ako nakapagwiwi. may simbahan palang malapit sa pinakingan ng bus namin. umalis na rin kami kasama ung memories ng banahaw.
giniginaw si liza. papunta pa lang e giniginaw na sya, meron kasing aircon din sa paanan namin, exactong sa paanan talaga namin, ginawin pa naman si liza. nanood kami ng the incredibles sa bus, pero ang hirap panoorin kasi black and white tsaka pa-stop stop, pirated kasi eh. yan ang napapala ng mga taong bumubili ng pirated, parang ako. haha. nagstop over kami sa petron, kumain si liza ng favorite nyang kfc. umaga pa lang hinahanap na nya ung kfc. hindi na ako kumain kasi busog pa ako. ang dami ko ngang nauwi sa bahay. ang nabawas ko lang sa baon ko e isang juckfood at bluskies onion spring. ang sarap non, mas lalo na kung merong tomato ketchup. bagong discovery namin un ni noe. actually, last year pa, pero bago pa rin namin un eh, kung ikukumpara mo sa combination ng puto't dinuguan.
dumating kami sa skul ng mga 8:50, akala ko mas late pa. pupunta daw si angela sa libis, naeexcite na syang i-invite si cong sa ball. gusto nyang personal, binalak nya tawagan sa phone pero walang sumasagot. gusto nyang puntahan sa concert, at i-approach personally. wala pa akong balita. sana pumayag. may picture na pala ako ni cong. nandun kasi sya nung fair. singer sya nang isang band, at nag-picture ako nang mga banda nung open jam. matagal ko na ring nakita si cong. yfc kasi sya at madalas ko syang nakikita sa mga malalaking events. sbi nga ni angela nakita na nya si cong nung ilc sa pampanga, kaso lang hindi nya masyadong pinansin ung pagintroduce ni aleah sa kanya.
umuwi na karamihan sa mga tao, si liza naman naiwan ung paperbag, pero binalikan din nya. sila papa pala nasa baba, wala kasing sticker, bawal kasing umakyat nang walang sticker. masyadong mabait. sinundo ako ng kapatid ko sa rotonda. nung pababa nakita ko sina eya tsaka amanda sa may founder's garden. inaabangan nila si sir bau. :)
nakauwi na rin ako. dapat magbloblog ako, kaso lang hindi kinaya ng katawan ko kaya ngayon na lang ako nagblog. :)
No comments:
Post a Comment