first time. baka hindi rin. nandito ako ngayon sa school. dito ako nagiinternet ngayon. wala kaming magawa. mga nagprapractis yung mga tao para sa sportsfest next week. syempre hindi ako ganoon ka-talentedo para mapasama sa mga taong ma-sports, kayo un, nandito ako, sinusulit ung binayad ko sa internet dito sa school. first time kong magsulat ng blog sa school. first time din akong magsulat nang entry na hindi sa bahay. pero hindi ko first time dito sa imc. maraming beses na rin akong nakapasok dito, mas lalo na last year nung parte ako ng computer club. kapag kailangang gamitin ang internet at kung anu-ano pa. astig. maraming tao.
dati nakapasok na ako sa totoong computer shop. since may computer kami sa bahay, may internet connection din sya hindi k na kailangang pumunta ng computer shop kaya nung una akong makapasok sa computer shop na ito nagulat ako sa nakita ko. puro lalaki. kaya pala nung unang dapat papasok ako sa computer shop sa stella maris, pinigilan ako ng kapatid ko kasi pala talagang puro lalaki. merong babae doon sa computer shop na napasukan ko pero dalawa lang, at sila lang ung hindi naglalaro. kakilala ko pa nga e. hi kat. :) sinama ako nang kaibigan ko, maglalaro sya ng ragnarok. ang dami talagang naadik dito, kahit babae e. meron nga akong kakilala, gradeschool sya, kapatid ng kaibigan ko, nakikipagagawan sa kuya nya sa computer dahil sa ragnarok. hindi na nga makagamit nang computer ung friend ko kahit assignment ung gagawin nya dahil talagang nadik sa ragnarok ung mga kapatid nya. ano kaya ang meron sa ragnarok at maraming nahuhumaling dito? hindi ko pa sya nasusubukan, ewan ko kung may balak akong subukan. ayoko kasing bumili ng level up card para lang maglaro. kuntento na ako sa unlimited internet connection namin na P420 lang. astig noh. wala na akong balak dagdagan ang binubudget ko. mahal na ang pagkain sa school, at ayokong mabawasan ang naiipon ko. wahaha.
ayokong magcomment nang masama sa ragnarok, pero nung nagkwekwento ung kaibigan ko tungkol sa paglalaro ng ragnarok, medyo nakakasama sa kanya ang paglalaro. may mga oras na hindi na siya pumapasok kalalaro, buong araw sya sa computer shop. inuubos nya ang baon nya para lang maglaro. napaka-saklap. ewan ko kung hanggang ngayon e naglalaro pa sya. ewan ko rin kung hanggang ngayon hindi sya pumapasok para lang maglaro. sana naman hindi, 4th year college na sya at dapat i-prioritize nya ung mga dapat i-prioritize.
siguro talagang nakaka-addict ang mga computer games, pero meron ba talagang magandang naiidudulot ito sa mga naglalaro nito? umaamin akong meron akong computer game na nilalaro. the sims 2. hindi ako sobrang adik. pero nung bakasyon, naglalaro ako mula 12 ng hating gabi hanggang 2 ng umaga. kadalasan kasi hindi pa ako inaantok nang mga ganitong oras, kaya inuubos ko ang lakas ko sa sims. dati sobrang gustong gusto ko ung sims. talagang nagpasama pa ako sa kapatid ko sa shang para bumili ng cd. kaso nga lang nawala ung cd na un. sayang. collection sya mula dun sa original hanggang sa unleash expansion. tapos nung pumunta kami ng greenhills,una ko lang narining ung the sims 2, gusto ko nang bumili. hindi naman ako adik noh. hindi talaga, kasi hindi ko naman parating nilalaro un. na-eexcite lang akong bilhin at malaman ang mga bagong features nung mga expansions tsaka nung bagong edition. parang cellphone, gusto mong bumili ng bagong labas na modelo at malaman kung anong maganda ang meron dito, tsaka magyabang na rin, pero hindi ko pinagyayabang na meron akong the sims 2, okey lang kung original un, pero hindi.
ewan ko kung naninibago ako habang nagtatype dito sa school nang blog ko. wala naman masyadong tumitingin sa ginawa ko kasi may sarisarili kaming pinagtutuunan nang pansin,kaya hindi gaanong nakakailang. ayoko kasing magnagbabasa ng sinusulat ko, habang sinusulat ko sya. pag tapos na, pwede nang makita nang iba. wirdo. haha. wala na akong maisip na isusulat.
No comments:
Post a Comment