kanikanina ko lang naalaa ung tungkol sa new year's resolution. haha. bago ako kumain. nag-iisip ako. nung una ayokong gumawa. kasi ayokong masyadong planado ang buhay ko. ayokong tinatake-down ko kung anong oras ko gagawin ung mga bagay, kung ano ung mga gagawin ko at kung anu-ano pang mga time management. mas gusto kong ginagawa ung mga bagay kung kelan ko gustong gawin, kung kelan ko naisipang gawin, kaya kanina, halos hindi na ako gumawa ng new year's resolution. pero habang iniisip kong ayoko nang mag new year's resolution, naisip kong maganda rin naman ung may time management, ung may new year's resolution. so ang new year's resolution ko, bibili ako ng planner at mag ta-time management ako. dati e, ginagawa ko ito. siguro tinamad lang akong magsulat at isipin kung ano ung mga gagawin ko kinabukasan o mamaya. pero kung ikukumpara ko ung buhay ko nung nag-plaplano ako, mas hindi ako nag-cracram noon. pero minsan may mga oras na nagplano ka na tapos biglang kailangan mong baguhin kasi biglang may kailangan kaing isingit na activity, parang sa YFC. siguro ang mas mainam na gawin e i-plano ko ung mga gagawin ko sa gabi bago ung umaga, para walang hassle. kasi dati, plinaplano ko na ung mga bagay two weeks after, kaya yon, nagkanda leche-leche na. sana maging succesful ung pagplaplano ko. sana mas marami akong magawa sa taong ito. sana mas marami akong mapasayang tao, pati na rin sarili. sana makontento ako at hindi makalimot sa pagpapasalamat sa Panginoon.
No comments:
Post a Comment