Birthday ni Bueta nung saturday! haha. Hapi Birthday Soulmate! Eighteen na sya, haha, full-fledged laydah!
mahabang preparations ung ginawa namin, at kailangan naming itago un sa kanya. Hindi ko lang sure kung nahahalata nya na may pinaplano kami, mukhang hindi, medyo manhin nang konti un eh, hindi lang un, bingi pa. haha, pero un ung nakakatawa sa kanya, napakakakaiba. Ang alam ko ang alam nya, na may pinaplano kaming "against" sa kanya, hirit nga ni angge hindi kami sisipot sa birthday nya. hehe.
nagprepare kami ng as-usual na birthday cards, pero mas special to, syempre ako ung gumawa. hehe, pero other than it, mas marami ngaun. ung original plan, 18 little cards for the 18 roses na ilalagay namin sa locker nya, pero dahil sa kakulangan ng funds tsaka time, hindi na namin nagawa.
ininvite nya kami sa eastwood. haha, first time ko don. walang joke un. first time kong pumunta ng eastwood. hindi ko ineexpect na ganoon kaliit un, akala ko mas malaki pa. pero okey na rin, hindi gaanong nakakapagod maglakad. nakita na namin ung burgoos ni gene, actually bargos un, pero, sabi ko nga medyo bingi un kaya burgoos ung spelling nya sa invitation nya. hindi na kami don kumain, sa super bowl of china na, ni-recommend ni liza, expert na kasi sya dun sa eastwood. ang tagal naming naghihihintay dun sa labas. dba nga maliit lang ung place, syempre maliit din ung mga resto don, tpos may mga resto na in-demand katulad nito, kaya mabilis mapuno. sa sobrang tagal, nakapakinig na kami ng ilang cds sa katabing music store, may nakita pa nga akong soundtrack ng lovers in paris, mga 400 ata un, tsaka nakapagfit kami ng ilang bayo clothes. haha.
pero worth-the-wait naman eh, ang sarap nang pagkain. hehe, pinaka gusto ko ung kanin. haha. tapos may sinignal si liza, nagngaroling ba naman ung crew, actually kinantahan nila ng happy birthday si gene. ang galing naman. kinausap pala ni liza ung mga tao don habang naghihintay. tapos un binagay na namin ung cards. nabuko na nga sya nung una kasi si aicel, nagkamaling ipakita ung card nya, nahuli syang magbigay e, akala nya nabigay na namin. si angela naman nabigay ng purple chocolate roses, tigtatatlo kami, yum!
after kumain, dumaan kami sa flower shop nila krizia and kindler. haha, nakatipid kami ng balloons tsaka ako, may rose, astig! gusto ko ung blue na rose, mahal nga lang, 300 isang bud, naglalast naman sya ng 2 months e, sino kaya magbibigay sa akin non?
may nakita kaming feeling statue malapit dun sa banda, all-white sya tapos may face paint na white. steady lang sya for a time tpos gagalaw mamaya-maya. pagnagpapapicture, gumagalaw. nung una nakakagulat, kasi first time kong makakita non ng face-to-face, ung iba kasi sa tv lang, ito totoo na, pero nung patagal-tagal na, boring na ung pangugulat nya.
naglakad-lakad kami sa eastwood, pero nililead lang kami sa parking lot. may nakita kaming 3 fountain don, e dun pa naman nilang binabalak na magkita-kita, buti na lang iniba nila kasi kung hindi, hindi kami magkikita-kita don.
marami kaming schoolmates na nakita, may ilang juniors, nakita rin namin sina lydia, cyl tsaka eka [tama ba ung spelling?]. nakita ko rin si kring, bakit kaya sya nandoon?
after non, umuwi na rin kami, 12 na rin, at lumalalim na ang gabi, este, umaga pala. una naming hinatid si noe, pinakita nya ung bahay ni april boy, kaso nga lang hindi na namin nakita kasi nalampasan na. tpos si dianne, kasabay nyang bumaba si aicel tsaka ung ate nya, tpos kami na ni angge, nagkatraffic sa may rosario, kaya umikot ulit kami ng ligaya. meron atang posteng.. ewan, hindi na namin tiningnan.
haha, ang kulit ni pierre, biruin nyo ba naman chicken ung itawag sa akin. hindi nya kasi ako kilala, akala nya chicken pangalan ko, ulilyanin din ung batang yon, ilang beses mo nang sinasabi ung pangalan mo, nakakalimutan pa nya. nakita ko na rin si kuya grip. haha. may itsura.
so un. un ung trip ko sa eastwood nung sabado. first time ko don, at masaya ako.
No comments:
Post a Comment