Sunday, February 20, 2005

hay, wala akong gustong gawin ngayon. tumawag sa akin si liza kanina, nagtatanong sa ethics scrapbook, nagulat syang wala pa akong ginagawa. naninibago daw siya.. ewan, alam ko matagal na akong ganito.
pasensya na medyo magulo utak ko, kaya baka hindi nyo maintindihan itong entry na ito.
basta, bigla na lang akong na-disorient. ndi ko na alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. hindi ko alam kung gusto ko pang mag-medicine. hindi ko na alam, ngaun-ngaun lang bigla akong natakot na baka makapatay ako.
hindi ko na alam ung nangyayari sa sarili ko. minsan iniisip ko nagiging holden caulfield na ako, baka mayamaya makita nyo ako nakikipag-usap sa isang psychoanalyst. hehe. gusto kong maging ganon, maging psychoanalyst. wala lang.
dati naman okey ang lahat, pero nung nakikita ko na ung mga bagay-bagay nang mas malinaw, iniyawan ko na. ewan ko. ang labo. kahit ako hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin... yan! hindi ko na tulong alam kung ano ung isusulat ko! sobra! wala na akong alam! grabe! ang bobo ko na!
cge, fine. i didn't pass UP. s**t! wala akong karapatang magalit. kasalanan ko, hindi ko ginalingan. hindi nararapat sa aking pumasa ng UP. pero grabe, hindi pala dapat umasa sa bagay na hindi mo alam ung katiyakan! ang sakit! ewan ko kung maniniwala pa ako sa novena, sa mga wishes, sa mga.. ewan.
hindi ko pwedeng i-dictate kung sino man ung gumawa sa akin nito kung ano ung mga ginawa kong sacrifices para lang ma-achieve ko ito. wala akong karapatan! siguro hindi lang enough ung sacrifices na un para ibigay sa akin ung UP.
ewan, basta nawalan na ako ng gana sa lahat. gusto kong mas pagbutihin ang lahat pero wala akong push para gawin un, kung tutuusin nanghihinaan na ako nang loob. nawala na ung goal ko.
can someone give me an inspiration para magpatuloy? i need someone, o kaya something to inspire me! sobrang down ako. i don't want to cry, pero ewan. basta pag naiisip ko lang to, bigla na lang magdidim ung paningin ko, kasi napupuno na ng luha.
gusto ba ni lord na magdoctor ako, hindi ko na alam! i have good intensions! i want to help people who are sick! there are a lot of people who are sick, ayaw ba nyang tulungan ko sila? i pass UST, pero its not the course na makakatulong sa akin para maging doctor.. applied physics. walang connection! cge fine, phsyics is a science course, pero anong connection n'yon para mapagaling mo ang isang tao? kailangan ba ng newton's law para malaman mo ung diperensya sa human body? i pass DLSU, pero its not the school that focuses on sciences, will they give good psychology education?
i really hate myself! i actually hate my brains, they didn't help me pass UP!
gusto ko na rin maggive-up sa play. alam kong mas marami pa dyang mas magaling umarte at magpatawa kaysa sa akin. i don't know why they give me mang ising's role, i didn't auditioned for it.
bakit ba binibigay sa akin ung mga bagay ni hindi ko naman gusto? ung wala akong passion na gawin o ibigay ung time ko para doon? because it is better kung iyong ung mapupunta sa akin? paano nyo nalaman mas makakabuti un sa akin? do you know me? do you know my capabilities? fine, si god alam un, pero bakit hindi ung gusto ko ung ibigay nya? bakit hindi ung bagay na alam kong magbibigay ako nang effort no matter what, ung ibigay nya? bakit kailangan ung bagay pa na masmagquiquit ako ung binibigay sa akin?
grabe! ang dami kong questions. gusto ko lang malaman kung saan ako nagkulang. gusto kong malaman kung saan pa ako mag-iimprove. ayokong isipisipin pa kung ano ung pagkakamali ko, hindi ako manghuhula para malaman un, and i feel i'm just wasting my time on such b***s**t.
ewan. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. i'm sad, i'm mad, i'm depressed.

No comments: