sobrang depressed talaga ako nung nalaman ko ung results ng UP. nung una pa lang, hindi ko pa nakikita ung results, kinakabahan ako, wala kasing katiyakan kung makakapasa ako. ayokong makita ko kung ano man ung magiging results. alam kong pinanghinaan ako ng loob, nawalan ng tiwala. kaparehong instance din ung sa ateneo, nauna ung sa pagpost sa skul kaysa sa site, gusto rin puntahan ng parents ko para makita, pero wala rin... bagsak ako.
ngayon, okey na ako. haha, hindi ko lang alam kung saan skul ako papasok. ayokong mag-physics, mahina ako don.. mahina ba talaga o hindi lang ako nakikinig? pwede rin cgurong hindi effective magturo ung teacher namin. nakakapasa naman ako e, minsan din nakakakuha ng mataas na grades, kapag sinipag mag-aral. hehe. ang tamad ko talaga, wala akong patutunguhan kung ganito ako parati.
cguro nga kaya ako nilagay ni God sa sitwasyon na to para sipagan ko pa. mag-aaply ako sa ibang UP system, kung saan papasa ung cut-off ko, kahit saan man, kung wala, magtitiyaga ako ng physics, at gagalingan ko para makalipat sa UP. hay! puro plano lang lahat ng ito, hindi ko alam kung kelan ko uumpisahan. hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, determination at inspiration para gawin tong mga to. hay... ang buhay kong puro katamaran. ngayon pa nga lang e, wala akong ginagawa para sa nalalapit naming exam. sa monday na un, inaksaya ko ung dalawang araw para lang sa wala.
gusto ko ng tahimik na working space, ung walang magulo, maingay, makulit at hindi un ung bahay namin. actually, ayoko lang ung may nangungulit, nawawala ako sa focus, mas lalo na kapag nag-aaral, kaya aykong mag-aral sa bahay eh, nawawala ako, mas gusto ko pa sa labas, ung walang mang-gugulo, ayoko rin ng mainit. kaya cguro akong mag-aral sa umaga, mas gusto ko sa gabi. hehe. labo.
so balik dun sa plano ni God, gusto nga nyang magtiyaga akong kunin ung gusto ko, not only relying on prayers but also with human effort. ngayon, na-aaply ko na ung magic ni kuya ej sa panyo. ummm, tama siya! ngayon, alam ko na kahit papaano kung paano ko sisimulan. okey. sana wala nang mangulo ng mga naplaplano ko. wish ko lang. mamaya mawindang nanaman ako, mawala sa focus at tuluyan nang mabaliw. alam ko Lord gusto nyo akong maging flexible, pero sana hindi tumatagal ung effect, katulad nito. ang tagal bago ako maka move on. please. hay.
kelan kaya ipapalabas ung bagong show ni Lee Dong Gun? sa mon na kaya? wow! asteeg! makikita ko ulit siya. hindi ko pa nakikita ung commercial, excited na ako. ang gwapo talaga nya. gusto ko syang ball date, pwede pang humabol, sana makita ko siya at ma-invite bago mahuli ang lahat. meron nga pala akong prospect ball dress, red and black. sbi nga ni liza may "spark" ako dun sa dress. gusto ko talaga ng red and black at itong dress na to e trip na trip ko. ngaun ko lang na-appreciate ung polka dots tsaka flowers sa dress at dahil un dito sa dress na to. hay. excited na akong i-fit ito. magpapatahi ako. hehe. cge, mag-aaral na nga ako. ang tamad ko talaga. hehe.
No comments:
Post a Comment