Monday, March 21, 2005

bakasyon na.

ka-gragraduate ko lang kahapon. tapos na ung highschool life and i'm about to face a life na mas challenging para sa akin, syempre hindi ko alam kung ano meron don, pero naririnig ko na sa mga tao na mahirap, nakasalalay sau lahat, hindi na spoonfeeding ung lessons. whew! ewan.
after grad kumain kami sa metro walk, first time kong makarating don. sa green tea chinese restaurant kami kumain. kasama namin si jamo pati ung parents nya. napasubo kami sa taas ng presyo ng pagkain, ang dami pa naman ng inorder namin. pero astig dahil nasa private room kami, ang dami kasi namin hindi kami kasya sa ordinary table, e mas malaki ung nasa private room. nakita ko si kino dun, kasama ung family nya tsaka may kasama rin silang madre, hindi ko lang alam kung sino.
so bakasyon na nga, sigurado na akong mag-aaral sa UP Baguio. Mag-take ako ng extra units para hindi ako magtagal ng dalawang taon dun. Magkikita kami si Charlene dun, astig, pwede ko syang bisitahin sa bahay nila dun. Hindi ko pa alam kung saan ako titira dun, kung ano ung mga kailangan, etc. sana ma miss nyo ako.
ball na bukas, hindi pa tapos ung gown ko. sana maganda ung kalabasan. wala pa akong accesories. hindi pa rin ako nagbabayad para sa graduation video. sana bukas ung finance, pupunta kami dun mamaya.
sana maging fruitful itong vacation na to. mag-driving lessons na rin daw ako, pero wala pa akong kotse, rigaluhan nyo naman ako. sana marami akong magawa. mag-aaral na ako ng ilang piyesa na xinerox ko mula kay liza. bahala na. pero sana hindi lang ito maging sana, magkatotoo naman kahit papaano. mag-aaral din ako ng korean, self-study lang.

No comments: