Monday, March 28, 2005

nagkadilemma ako kanina.

cyempre medyo nagprepare na ako ng konti para sa shindig namin kanina. naligo na ako ng mas maaga para hindi masyadong nakakahiya ka angela, baka pagintayin ko ulit sya sa intersection. tapo9s tumawag ako sa kanila sasabihin ko sana magkita kami sa intersection ng 4, pero nalaman ko na namove ung shindig ng 6. oh no! praise parade practis, hindi pwede. grabe, dilemma to tsong! hindi ko alam kung ano ung pipiliin. shindi o praiseparade practis. pero nauwi sa pagpunta ko sa shindig. last time na to with dramatics mates, ung praise parade, meron pang bukas at hanggang sa susunod na linggo pa kaming ganon, ang mamimiss ko lang naman ay ilang steps, at choreo. hindi naman cguro malaking kawalan ung magabsent ako ng isang practis dba, for something much more important.
okey so nandon na kami ni angela sa galle, hinihintay namin si aicel. buti na lang hindi kami nagpakabum sa tapat ng autie annes. nandon kami ng mga 5:30 at mga 7:45 na dumating si aicel. naglibot-libot muna kami sa galle, nagwindow shopping ng trenchcoat. syempre todo hunt naman kami ng ange. sana naging mayaman na lang ako para marami na akong damit. ang daming maganda dun, gusto ko nang sleeveless. ang init ng panahon ngaun, nakakapaso ung araw kahit 3pm na. perfect ung sleeveless. dumaan din kami sa 50th avenue, dun nakabili si ange ng slippers. ung pinaka magandang napuntahan ko ung yrys, tama ba un? basta parang ganon. ang gaganda ng mga damit at dito kami nakakita ng talagang trenchcoat. halos 2000 na rin. gusto ko ung mga skirt. grabe, lumalabas na ung pagkababae ko ngaun ha. hindi na ako masyadong nahihilig sa baggy pants at loose shirts. hehe. okey na rin un. college na, move on. hehe.
so nakarating na rin kami sa mc do. cyempre nilinlang kami ni gapit, hindi pala 6 un, 7. naforsee na nyang hindi maaga ung mga tao, pero nalagot rin naman sya sa iilan na nandon na ng 4. todo kain kami. hanggang ngayon nga e busog pa rin ako sa dinami ng kinain ko. spag, chicken, burger, fries, 2 reg. coke, 2 sundae. syempre ang takaw ko. masaya ung games kahit dalawa lang sila. pinaka favorite ko ung basketball. bago lang e. ang saya manalo. syempre nasa winning team ako. ang lamig sa loob pero paglabas mo, exhaust fan ung katapat mo, tanggal ung lamig sa katawan mo. wala sina ms at ung mga sirs. nagplaplano sila ng formal dinner, eto sisiguraduhin na nandon si ms at sina sirs, pero kkb. sana nandito pa ako non, tsaka si ehem. balita ko lilipad sya papuntang ibang bansa para magbakasyon.
hay. ayun lang. gud nyt, este, gud mornin pala.

No comments: