hehe. after weeks of practices natapos na rin ung play namin. grabe ha, ang daming time and effort ung sinacrifice ko para dun, minsan nga gusto kong wag na lang sumipot sa mga practices, marami rin lang naman ung hindi nag-aattend eh. pero kahit ganon, masasabi kong naging successful ung play namin, tama si kryzelle, magiging asset sya! para sa 'yo lahat ng mga sinacrifice ko, actually, namin.
sa mga hindi nanood, sori, pero namiss nyo ung opportunity na makita akong nakabody stockings, na umaarte na parang ewan.
sa mga dramatics mates ko naman, maraming salamat sa pag supporta nyo. kung wala kau, syempre walang play. nakakamiss ung mga practices natin. dati gusto kong umuwi ng maaga at magpahinga, pero ngaun parang gusto kong magpractice ulit. nakakatawa lang, na kung kelan wala ka na sa mga oras na iyon saka mo lang maiisip na balikan. haha, marami akong naririnig na nagugulat na lang sila bigla na may araw pa nang umuwi sila, ako nga halos hindi ko na kilala ung mga busmates ko eh, matagal-tagal na rin nung huli ko silang nakita. ang labo, ang bottomline lang don, malaki ung impact ng dramatics sa akin, sa schedule, pati na rin sa appetite ko.
lately lang, ang dami kong kinakain, tumataba nanaman ako, nakakainis, kung kelan malapit na ung ball saka pa nangyari toh! mas nagcrave ako sa pagkain ngaun. oh no! kailangan hinayhinayin ung pagkain!
kahapon pumunta kami ni mama sa ust hospital. sa mga yfcs na hindi pa nakaka-alam, naaksidente si ate candy and ATE jessie sa mindoro last saturday. sori ATE jessie, akala ko... lalaki ka. pasensya na. kahapon si ate candy lang ung conscious, maraming salamat k god dhil si ATE jessie e gising na rin. magundergo si ate candy ng plastic surgery bukas, may mga fractures sa mga buto nya sa mukha, tsaka marami rin sugat, pag-pray natin. marami akong natutunan tungkol sa buhay ni ate candy. isa syang mission worker na nag-serve sa central a and b. bonga! under nya ung dalawang sectors, kasama dun ung highschool, campus, community based tsaka torch. kagagaling lang nya ng thailand, one year sya don, nag-trailblazer sya. astig. galing syang mindanao, grumaduate ng community development. nag-work sya sa ibang company dati, tapos iniwan nya un para mag-serve. pareho sila ng dad nya na mission worker. bilib na ako sa kanya. meron syang dedication sa ganitong klaseng service, ako nga ni kalahati hindi ko pa na-reach eh. saludo ako sau ate candy!
sa ngaun, un muna.
No comments:
Post a Comment