first day:
syempre nandun muna kami sa bus station, victory liner ung sinakyan namin
yey! nandun si aicel
dumating kami sa site ng 8
hinatid ko ung iba sa tent. mas swerte kami kasi sa bahay kami. woohoo
iniwan nila ako, pumunta sila sa bahay, iniwan ako sa site. :(
nagpakaligaw ako, loner, at nangitim.
naki-bonding muna ako kina jackie.
nakita ko na rin sila tito habang naghihintay sila ng food.
may nagalok ng 100% pure magazine, cover sina plo-plo at josh. naks!
ang ganda ng bahay, air-conditioned and carpeted.
nagpakasaya muna ako sa magandang accomodations. upo, higa, kain: 2pc burger meal ng mcdo.
1 bumalik kami sa site para magpractis. hanggang 5 kaming nagpapakaitim. nabihis. nagpintura ng mukha. last practis with costume. syempre pray. pumunta na sa conference site.
worship.
sumayaw na kami. ang dami kong mali nung una.
kumain. nagbihis.
infairness ang mcdo ung sponsor ng pagkain namin. chicken ung dinner.
bye-bye na kina kuya elmer(choreographer ng hotta-hotta and gma), glenn, iyo (mga nagturo sa amin) at mga drummers ng buganda.
2nd day:
syempre nagpakalate kaming lahat gumising. ndi na kami umatend ng miting ng docu team. pasaway.
10 nag-swimming kami sa kalayaan pool. P100 sya at hindi sulit. hindi tiled at sumakit ung mata namin dahil sa sobrang chlorine.
bumalik kami ng 1. kinuha namin ung fud nmin at pumunta ng whimpy's. lintik pinalayas kami dun, may ibang fun daw kaming dala tuloy sa labas na lang kami kumain. nagbabalak na si aicel ng paghihiganti.
mini conference and long talk sa gym ng sbma para sa combase. tulog ako, kaya wag nyo akong tanungin kung ano ung napagusapan.
tumugtog and fig newton habang bumibili kami ng t-shirt.
dinner. talk 2 and 3. (wala ako nung talk 1, hehe. palaboy kung saan)
binigay ung 100% pure baller id. cool.
3rd day:
dapat 3 kami gigising para sa mass pero ang nangyari 7 na nung nagising kaming lahat. walang kwenta ung alarm ni aicel.
pagdating namin sa site, pack-up na ang lahat.
nagkaproblema kami ng kapatid ko sa transpo.
sumama kami pauwi sa parents namin.
may nakita kaming mga unggoy.
foodtrip kasama ang family.
picture galore sa kung saan.
No comments:
Post a Comment