nagsisimula nang maglabasan ang iba't-ibang orgs ng UP. last wednesday, naglalapitan n ung mga members ng iba't ibang orgs para makakuha ng mga bagong members from the freshies.. ang daming mass orye.. marami akong gustong salihan pero nagdadalawang isip ako, baka masayado naman madaming org ung pasukan k tpos hindi n pla ako pumapasa..
merong isang org.. political org.. acs.. sbi ng iba activist group daw to.. halata nman sa presentation ng isang org din n under sa kanila. tinutuligsa nila si gloria.. npalabas na daw ung tape? totoo ba? pinarinig daw kahapon sa audi, kso nga lang kailangan k nang umalis kya hindi ko na lang pinakinggan.. hindi ko alam kung totoong napalabas n ung tape, kung may katotohanan sya o wala.. ang labo nga e, dba ung anakbayan ung nagluklok k gloria sa pwesto tpos cla ulit ung magtatanggal? ang labo nila.. o c gloria yung malabo? ha! ewan.. bahala n c papa God.
kung ano man ung kahihinatnan ng lahat, sana tama ung gagawing disisyon ng mga nakakataas, ksi ang hirap mabuhay sa kalokohan!
kelan ba magiging matino itong bansang to! ang daming gustong tumulong para sa ikasusulong ng bayan pero kakaunti lng ung nakikiisa tpos may kumokontra pa! 'lang h'yang pera yan, dahil dyan nagkakandaleche-leche ung buhay ntin lahat. gusto ksi ng lahat, meron sila ng lahat n ndi nman pwede! grrr! sobrang kurakot! ndi n nakuntento sa taas ng sinusweldo nila tpos mangungurakot p! kelan b kau titigil? kung kelan wala nang nagbabayad ng buwis? syempre patay n lahat ng taung kinurakutan nyo nun.. hindi ba kau nanghihinayang sa mga taong naghihirap para masustentuhan ung pamilya nila tpos bayaran ung buwis na kinukurakot nyo? nakakainis talaga!
kaya naman ng pilipinas eh, kung wala lng talagang mga kurakot! pero kelan mawawala ung mga ganitong tao? kelan?!
No comments:
Post a Comment