Tuesday, September 06, 2005

A TRIBUTE

sa dalawang taon at kalahati nating pagsasama...

Maraming salamat.
ikaw ang aking naging daan sa landas na hindi ko alam kung paano tahakin,
ikaw ang naging ilaw sa mga oras na madalim,
ikaw ang tumutulong sa akin kapag nahihirapan akong magbilang,
ikaw ang patnubay sa mga kailangang gawin.
ikaw ang syang tumutulay sa aking kalungkutan,
binibigyan mo ng buhay ang mga araw na malumanay,
tinuruan mo akong gumuhit kahit mahirap.
Naging saksi ka sa lahat ng pangyayari sa aking buhay,
mula sa iyakan at tawanan.
Narinig at nabasa mo lahat ang aming kwentuhan,
at ikaw ay isang naging dakilang tagapakinig.

Maraming salamat sa iyo kaibigan,
at akong talagang nalulungkot dahil kailangan nang magwakas..
na ating pagsasamang dalawa't kalahating tumagal
maraming salamat, hindi kita malilimutan... mahal kong
CELLPHONE!

OO! Nawalan ako ng cellphone, at nalulungkot ako..
Khit 3315 un, mahal ko pa rin un.
Lintik na kung sino man yung nakakuha / nakadampot / nagnakaw!
Ndi sya marunong magbalik! Hindi naman sa kanya un ah, bakit nya kinukuha?
Nandun pa naman ung dalawa kong sim card.. ung parehong Globe at Sun..
Ano b yan! Nakakainis ano!
Kaya eto, BABALA!
Kung magdadala kau ng cellphone, wag nyong ilalagay sa bulsa ng jacket nyo,
mamaya, may kamay na dyan sa tagiliran mo at kinukuha na ung cellphone mo.

Ngaun, ndi na ako ganoon ka lungkot..
May cellphone na ulit ako..
Syempre hindi un ung katulad ng dati, pero alam ko matino sya..
Ang problema lang wala akong numero ninyo..
Kaya i-text nyo ako, para may numero nyo ako, paki sama na rin ng pangalan.. isama nyo na rin ung apilyedo..
Eto num ko: 09223098968 <-- hindi ko pa memorized yan. hehe.
Ay! cguraduhin nyong kilala ko kau ha, ayoko ng ka-text n ndi ko kakilala. :)
Wag din kaung pa-stalker effect ;)
Maraming salamat ;)

No comments: