Tuesday, November 22, 2005

radar experience

Kahapon ang isa sa pinaka adventure na nangyari sa buhay ko, kasama ko sina Cyril, Debbie, Lory, Ange, Andi, Kath, Nissan, Carlo, Geo at Kuya J.R. Umakyat kami sa radar na nasa boundary ng baguio city at benguet, ung dalawang malaking radar na makikita nyo pag nasa likod ng sm kau nakatambay…
Nagumpisa sya nung makita namin ung wall climing na nasa convention hall nung sabado.. meron kasing salad festival un,, ewan k na lang kung ano ung koneksyon ng wall climbing sa salad, pero meron sila dun.. napagisipan namin na gawing bonding session ng block ung wall climing na nandun kinabukasan, kaya dapat sabihan n ung mga ibang blockmates nmin.. sakto nagtext c carlo ng walang kwentang quote (sabi nya roommate daw nya ung nagtext nun kaya nung nagreply sya sa nireply ko sa quote, hindi nya maintindihan ung nireply k.. Malabo? Alam ko!) , tpos sinabi k s kanya na magwall climbing kmi kinabukasan at pinapapunta k sya.. tpos sinabi nya kung gusto b naming umakyat ng radar.. tpos tinanong k ung mga kasama ko, sabi nila cge.. e di un umakyat n kmi ng radar.. un akala kong 2 hours back and forth e 2 hrs lng palang paakyat.. kaya halos buong araw kaming nandun.. nagtrek, pumasok sa cave, inapriciate ang gawa ni god, hinanap kung nasaan ung up at sm, may nagsabing sos na un pala’y talgang nagkakasunog na sa baguio city, nag laro ng uno, nagplano ng susunod na activity para sa block, natulog, napakasaya, nagbonding..
Syempre ang saya namin.. Bago kami makarating dun, syempre nag jeep lang kami, ang haba ng hinintay naming sa jeep dahil, sa baguio punuaan ang mga jeep dahil hindi katulad sa manila, okey lang ndi mapuno dahil panigurado along d way may makikita kang pasahero.. e ayaw naman naming bayaran ung 5 pasaherong kulang.. 62 din ung noh!
Nung nakarating n kmi dun naglakad kami dun sa malubak na daan, tpos may nakita kaming magagandang bahay.. aba akalain mong meron non dun, tpos marami pa silang kotse.. tpos ung bintana nila e may mga nota, hindi kaya musician ung nakatira dun? Sa hinaba-haba nang nilakad nmin, nakita na naming ung pagtrekingan..
Actually, 2 daan un, ung lubak-lubak at ung magubat na daan.. pero para sa adventure, dun kami sa magubat.. mahirap umakyat, mas lalo na kung ung kaharap mo mabilis maglakad, ang hirap humabol… nung narating na naming ung dulo nung trekkingan.. naglakad ulit kami dun sa mabato… hangagang sa marating namin ung isang maliit na barrio doon..
Meron silang dam na walang lamang tubig, may eskwelahan, may bahay (malamang), tindahan, at ang pinakakakaiba ung stations of the cross na hindi ordinario na mga litratto kundi mga estatwang human size.. o diba bonga sila, may budget sa pagpapatayo ng mga ganito, pero walang budget sa pagpapatayo ng matinong daanan..  peace out!
Naglakad ulit kami hanggang sa tuluyan nan naming marating ung radar! Ang laki pala talaga nya! Super!
Tapos pumunta kami dun sa tabi nun, hindi kasi pwedeng pumasok.. dun makikita mo ang kabuuan ng baguio.. ilan sa napagtanto namin na ang baguio ay parang squatters area na.. sabi ni kath, originally dapat tourist area ito, pero dumami na ang mga taong pumupunta at nagtatayo nang sariling bahay at hanggang sa tuluyang maging mukhang squatters area.. nakakalungkot.. isa pang nakakalungkot na balita..
Lumulubog na ang maynila!!! Ayon daw sa balita, ung tubig na nasa ilalim ng maynila ay tumataas na (na hindi dapat) at sa ilang taon.. lulubog na daw ito!! Oh my! Pa! Ma! Mga kapatid ko! Mga friends at minamahal, umakyat na kau dito sa baguio! Matagal pang lulubog ito! Haha! Syempre mas lalong magiging squatters area itong baguio noh! Okey na rin kaysa sa lumulubog na maynila..
Cge na, hindi talaga originally na taga maynila ang mga magulang ko, taga Iloilo si papa, taga quezon naman si mama, e wala naman taung magagawa kung walang matinong kabuhayan sa probinsya eh.. kaya nga nagsisipuntahan sila sa syudad. E kung ung mga investors e nagiinvest sa probinsya din at hindi lang sa syudad, mangyayari din ba ito? At kung hindi ba umalis ang mga magulang ko sa kanikanilang probinsya, magagawa kaya si Jikki, Ivan, Jean at Carla? SYEMPRE HINDI!
Matapos naming magmuni-muni sa tabi nang radar.. pumunta naman kami sa cave.. mukhang malapit, parang UP hanggang Maharlika, pero dahil sa bato, madulas na daan na halos hindi mo na makita dahil sa dami ng damo, mahirap pumunta dun.. nadulas pa nga ako nung isang beses eh.. pero okey lang, parte un ng adventure namin.. Nung malapit-lapit na kami sa cave, may nakita kaming mga tao, naghiking ata sila nung nakalipas na gabi, ksi may mga higaan silang dala.. at mukhang taga-up, namukhaan k nga ung isa eh, classmate ko sa speech comI.. Pumasok kami sa cave.. ang hirap pumasok, madilim at medyo malalim.. ang nakakatakot dun e parang libingan sya, may mga buto.. ang hindi lang namin alam kung buto ng tao o hayop.. a basta, libingan pa rin sya… tpos nagbonding kami sa taas nung cave.. nag UNO kmi.. aba naadik ung mga kasama ko.. tpos may pinagkakaisahan pa sila.. si Kath, kawawa nga eh, kaya un, parati syang talo.. may nagaasaran din si Cyril at Carlo, tumatawa kasi si Cy kung madadagdagan ung cards ni Carlo.. gumawa pa kami ng bagong rule, kung may nagsabi ng uno sa isang tao at hindi pa sya uno, bubunot ng isa ung nagsabi nun.. meron pa rin silang bagong rule dun sa blankong card.. nakalimutan k lng kung ano. mga ala-una na nung umalis kami dun.. syempre ndi kami nag-lunch dahil wala kaming dalang matinong pagkain (junkfoods lang at tubig), kaya napagisip-isip namin n kung pupunta kami ulit doon, magdadala na kami ng kanin.. at syempre ulam n rin(actually may nagdala ng ulam, cheesedog).. para hindi kami nagugutom
Bumalik na kami, at lalong sumakit ang mga paa namin dahil sa pababa na daan at tumatama ang mga daliri ng mga paa nmin sa dulo ng sapatos.. nung nakarating na kami sa may sakayan… wala.. wala kaming napala dahil wala masyadong dumadaan na jeep.. nilakad namin hanggang makaabot kami sa may “terminal”.. may nakasalubong kami na jeep, siguro inaakalang nangtritrip lang kami kaya hindi kami pinara.. nung nakarating na kami sa ewan-kung-anong-tawag-dun-sa-lugar-na-un-parang-village-na-hindi-basta-may-tindahan-at-parang-civilized nag-abang kami ng jeep, e wala kaming makita, puro fx, na hindi kami pwede dahil max of 5 lang ung mga fx dun.. kaya un, nag uno n lang kami.. hanggang sa may lumabas na trak.. tinanong namin kung pwedeng makihitch hanggang sa sakayan ng jeep lang.. pumayag sya.. pero lumabas ung asawa, sabi daw hindi pwede dahil magagalit ung mga jeepney drivers.. Hello?!! Nasaan po ung sinasabi nyong jeep na magagalit? Kanina pa po kaya kami naghahanap ng jeep, at ung isang jeep ay pinagkakamalang nangtritrip lang kami kaya hindi kami sinakay, kaya nga nakarating kami sa lugar nyo dahil nagaabang kami na jeep at kung ano mang masasakyan at ngayon nakahanap kami, ipagkakait nyo pa ang pagkakataong ito na makasakay na at bumalik sa baguio city at makakain na nang lunch dahil hindi pa kami naglulunch at ung iba kahit breakfast ay hindi pa rin at makapagpahinga dahil sa nakakapagod na trekking namin papunta nang radar! Aba! Aba! Nakakainis sya ha! Pero wala kaming magagawa.. sila naman ung may-ari non.. kaya un, nag-uno na lang kami hanggang sa may makita kaming jeep, at un nakauwi na rin kami…

No comments: