feeling ko dahil ito sa papalapit na results ng transfer sa up manila. next week n sya. kung makakapasa ako, e di dito na ako, kung hindi e di babalik na ako sa baguio.
tinext ako nung blocmate k n lilipat din, sbi nya tinext daw ung isa pa naming blocmate na lilipat din na may interview na sya sa 22 (day before i-release ung results ng pasado sa transfer), kung totoo man sya, e di cgurado na cguro sya na makakapasok.. at dahil hindi ako nakatanggap ng text, ndi ako nakapasa..
hay.. nung una, parang okey lng, pero minsan iniisip ko ung mga paghihirap ko para lang makalipat e nabaliwala lng, ung pagkuha ko nung tcg e halos iyakan k pa ung gumagawa para lang ibigay sa akin...
pero sabi ko sa sarili ko, hindi na ako mageexpect, uubusin ko lang ung oras ko kakaisip na papasa ako, kahit hindi naman.. mahirap na eh, nakakapanglumo lang un..
kaya, bahala na, kung hindi ako makakapasa, edi okey.. at least makikita ko na ulit ung mga crush ko sa baguio! haha! tsaka ndi na ako maiinitan! tsaka nakakamiss din ung veranda ng sm, tsaka ung paglalakad sa walkway, tsaka ung pagbonding nmin ng blocmates ko, at syempre makikipaglaro din ako sa kanila ng uno..
hindi dapat ako madisappoint kung hindi man ako makalipat, ibig sabihin lng nun, hindi ako pang-manila..
kung tutuusin, mahirap talaga dito.. mainit, mausok, magulo! sa probinsya, okey lang, kahit papaano, may panahon ka para gawin ung mga masimportanteng bagay sa buhay. dito sa manila, marami kang iniisip, sa sobrang bilis ng buhay dito, wala ka nang time para makapagmuni-muni at makapagspend ng quality time with urself.
Hay! at least napagaan ko n ung loob ko, at okey na sa akin ung hindi pagpasa, nakita k n rin ung positive things about it, naprepare k n ung sarili ko sa kung ano man ang mangyayari..
Hindi dapat mag-expect, dahil walang pupuntahan ung pageexpect, hindi mo naman kontrolado ang lahat para makuha mo ung bagay na pinageexpectan mo e.. kung hindi ka para dun, hindi ka talaga para dun, so don't grieve over things that are not meant for you but move on and continue living your life for there is more in life than kung ano man un.. haha! malay mo makita mo na ung hinahanap mo kapag nag move on ka na noh! :)
0 comments:
Post a Comment