Ang blog na ito ay sumasalamin sa naging buhay ko noong hayskul at ilang taon ng kolehiyo. Maraming masasayang karanasan, maraming natutunan, mayroon din ilang hinagpis. Masayang balikan ang mga ito, mas lalo na dahil natatawa ako sa sarili ko habang umiiling at sinasabing "Hindi ka talaga marunong magsulat, tsk! magulo kang bata! :))"
Ang blog na ito ngayon ay magsisilbing katunayan ng pagiging bata at ng mga naging karanasan ko noon. Ito na ang huling post ko at lahat ng iba pang post ay nakatago na lang kung saan man, para pwede ko pa rin basahin ang mga kalokahan ko noon :))
Maraming salamat sa lahat bumasa at tumangkilik!