Tuesday, February 19, 2008
Patawad
Patawad. Hindi ko sinasadya na gawin sa iyo ang mga nagawa ko. Kung tutuusin, hindi ko alam na nasaktan na pala kita. Alam mo naman napakamanhid ko sa lahat ng bagay. Ipinapaalam ko pa sa iyo kung gaano ako kasaya makita ko lang siya, kung gaano ako nababaliw sa kanya, hindi ko man lang napapansin na nasasaktan ka na pala. Ngaun, alam ko na kung ano ang nararamdaman mo. Ngaun, pagkalipas ng mahabang panahon, saka ko lang nalaman, saka ko lang napagtanto, dahil ngaun nararamdaman ko na rin kung ano ang nararamdaman mo ng mga panahon na iyon. Ngaun alam ko na kung ano ang pakiramdam na gusto mo ang isang tao pero iba ang itinitibok ng puso nya. Ngaun alam ko na kung ano ang pakiramdam na malaman na masaya siya na makita ang iba. Ngaun alam ko na ang pakiramdam na malaman na may minamahal na syang ang iba, habang minamahal mo rin sya. Ang sakit pala. Kaya humihingi ako ngaun sa iyo ng Patawad dahil ngaun nalaman ko na nasaktan pala kita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment