nag anticipated simbang gabi ulit ako kanina, at inaamin ko na lumilipad ung utak ko kanina.
iniisip ko.. ung play. nagaudition ako sa medyo ndi ko gustong role. ksi ung gusto ko, bad role. ung tipong, nanakit, nagmumura, nanlalait, ung may "angst", bitter [pwede na rin], basta kahit anong masamang role. parang ung role ko sa long test namin, c gonzalo. hehe. mamamatay tao un eh. ang saya maging kontra bida. mas lalo na kung hindi ikaw yung tipong bad person. wahaha! nakakarelease ng mge naipon na galit mo. kasi naman noh, ang hirap ng sitwasyon ko, ang dami kong gustong gawing masamang bagay, ndi ko naman pwedeng gawin. kung wala lang akong pinaniniwalaan, tipong aetheist ba, e di nagawa ko nang magmura, manlait [hehe, parati ko namang ginagawa ito ;)], pumatol sa mga forbidden, khit pumatay at magpakapatay eh. ang problema lang nga e, may faith ako. medyo shaky sya ngaun. ksi naman ung pari sa amin, nagwiwig. biruin nyo nagtuturo sya ng love, pero sarili nya ndi nya minamahal! tinatago pa ung tunay nyang identity, as if naman hindi halata. sori, mapanglait pero ganon talaga. napapatanong tuloy ako sa church, maging erehe ba? [ni-research ko pa yan sa nakatagong libro ko ng noli at naninilaw na sya ha] ang dami talagang pwedeng questionin sa simbahan, kasi yung iba sa mga pinagsasabi nila, unreasonable. meron nga ao nakitang madre kanina sa mall, sasabihin nila, be simple pero sila may cellphone, colored pa, nakalimutan ko n yung model, talo ko pa sila. 3315 lang ung akin noh. meron pa, ung ibang pari may sariling sasakyan, naks! ang sosi nyo ha. tapos yung parishioners nyo, na nagcocontribute sa church e, tricycle lang ang sinasakyan. tpos may ibang pari na kapag iniinvite kailangang pang sunduin. bakit ako kapag invited sa party, hindi naman ako sinusundo sa bahay, ah. grabe ha. pati ba sa simbahan e may kurakot. pwede ba, kahit konting pagtitiis naman dyan. sasabihan nyong magtiis yung mga tao, tpos kayo, pa-special. sori talaga, minsan, nakakainis yung mga ganito. bakit kaya hindi nyo tulungan yung mga tao sa lansangan. may nakita akong ale, hubot-hubad na naglalakad sa kalye, bakit kaya hindi nyo tulungan yon, kaysa naman sa nagpapaka-special kayo. alam kong sugo kayo ni God pero hindi na yon ung pinapakita nyo. grabe ha. nagiging erehe na nga talaga ako. may faith ako kay God, actually dependent ako sa kanya, yung pinaka-wish ko e talagang pinagdadasal ko sa kanya at iniiaalay ko nga itong siyam na araw na pagtitiis para lang sa kanya. pero sana naman, wag maging hadlang yung mga church people dito. sori. sori talga.
No comments:
Post a Comment